PART 22

916 14 0
                                    


________
________
________

Kasama ko ulit si Patricia and she's offering me a favor.

"Sige na pls...", siya ulit.. Kanina pa to eh. Hindi ata nakakaintindi na wala ako sa mood ngayon. My head is clouded...

Hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon. I can't belive he just hug me..

Ehhh!! BWISIT KA LAY!!

"Wait, mag-ano kayo ni Lay. Nakita ko yun ah", Diana said ng nanunukso.

"Ayiiee... manliligaw mo ba?", halata naman ang isang 'to.

"Oo nga... Boto naman kami sa inyo kung sakali, huwag ka ng mahiya", nag thumbs up pa sina Dianna at Olivia sa akin.. tsk..

Ganito kasi yun.

_______
_______

Naiilang ako kay Blake dahil sa yakap. Nababaliw siguro ako at kailangan ng maidala sa mental hospital. Una sa lahat bakit ko siya niyakap and.... did i just confess?? Bakit?? Ang gaga ko talaga kaya naman umalis na lang ako at natataranta pang napatakbo dahil sa pagtawag niya sa akin. And then the last thing i knew,muntikan akong mahulog sa hagdan pababa. Mabuti nalang at pataas naman si Lay na siyang sumalo sa akin. Hinapit niya ako sa bewang at dahil sa pagkabigla at takot rin muntikan na ma-coma napayakap rin ako sa kaniya. Gravity kasi eh. Eh, nagkataon namang nasa baba lang ang barkada. Edi ano pa ang aasahan ,edi MISINTERPRETATION... Haist...

______
______
______

"Ayiee, nandiyan si lover boy", BWISIT! Hindi ba nila alam na kaya ko silang sapakin dahil naasar na ako.

"Tss.. ba't ayaw niyong maniwala na aksidente ang lahat", with sarcasm pa yan ha sakaling matinag tong dalawa. Mabuti na nga lang at hindi sumasali sina Hailey, Clarissa at Patricia eh. 'Tong dalawang to, nakaka-asar.. tss.

"Hi girls, uhm can i borrow Cylin?", pati tuloy si Lay naasar na ako.

Lumapit pa kasi.. buwisit naman talaga, ito tuloy ang dalawang O.A ,nag-iimpit ng tili. PWE.
Bago pa ako makasagot napansin ko ang pagbaba ni Clarissa sa kaniyang pinag bi-busy hang phone at malungkot na nakatingin kay Lay..

Weird.

"Bakit naman?", tanong ko kay Lay, trying to do my best na itago ang inis ko sa kaniya.

Urghh, siyempre nagpapasalamat ako sa pagtulong niya sa akin pero kasi.... hindi titigil ang dalawang babaita dahil lumapit na mismo si Lay sa akin. Take note: A N G L O KO M A Y S W E E T S M I L E P A N G N A L A L A M A N.

Paano ako makakatanggi kung may utang na loob ako sa kaniya kaya kalauna'y nailabas na ng mga O.A girls ang kanilang tili ng pumayag akong sumama kay Lay. Nagsitinginan rin ang mga tao dito sa loob ng cafeteria sa direksiyon namin na lalong nagpa-init ng butchi ko at gusto ng pumutok... ARGHH...

______
______
______

Dinala lang ako ni Lay dito sa rooftop dahil may importante DAW kaming pag-uusapan pero parang wala naman. Kanina kami kaya nandito?

"Uhm, his here... This is his last favor.. Be strongstrong Cylin", nabigla ako sa pagharap ni Lay at lalo na sa sinabi niyang pang CSI puzzle . Hindi ko siya maintindihan kaya binigyan ko lang siya ng kunot sa noo. And then, someone appear na galing sa pinto... siyempre namin, alangan namang galing sa bintana.
Hindi ko pa nakita ng maayos ang kararating dahil nakaharang si Lay... aist... why so better now?
Nag-uusap pa kasi ang dalawa kaya ayun.
Tatayo sana ako at mutikan akong matumba dahil sa gulat.
Si Blake ang kausap ni Lay...

Eeeh! Naiilang pa ako. Pakiramdam ko nga para akong timang kahapon sa ginawa kong pagtakbo palayo sa kaniya kahapon.
Nandito naman tong tibok ng puso... ay naku, ang korni na talaga..

Ano bang nangyayari sa akin? Pati utak natataranta. Gosh, this is awkward for me...
Heto na, palapit siya ng palapit hanggang sa mapatalon ako over the riles nitong rooftop... pero syemps joke lang..

Argh,, heto na talaga siya.

"Cylin",

BOOM!! wasak... nag-explode na ang heart ko grabe kasi kung makapag-beat.
Naiurong tuloy ang dila ko. Argh!!

"We need to talk. Punta tayo sa baba, Lay brought you in the wrong place", hindi pa ako nakapag-oo ay hinila niya ako.
Somethings weird well, except for this exploding heart beat na iniisahan ang utak ko kaya hindi ko alam kung paano umangal. Esh!

Natanto ko na palayo kami sa university .

"B-Blake? Saan mo ako dadalhin?", muntikan akong mautal at magpahalatang nagigising angako ta kot ko. Pero kilala ko siya, kasi siya lang naman si Blake na hindi gagawa ng kalokohang ginagawa ng mga lalaking hindi disente at may mababaw na kaisipan at kaligayahan. I know he will not do something bad to me. Even though, our past is a little bitbit physical combat. Ayaw lang yun, bangayan kumbaga nothing more and nothing less. It was a pure act of growing mature, you know. Tsaka, he was serious.

"Blake, anong pag-uusapan natin?", tanong ko sabay sa pagkabigla ko sa paghinto niya sa sasakyan.

Shocks!! Galit ba 'tong lalaki? Masyado na ata niya akong didedma at tila may balak pang mapatalsik ako sa labas ng sasakyan. GOSH!
Di pa naman ako sanay na mag seatbelt ayun tuloy napa-aray ako sa pagtama ng ulo ko sa bintana nitong sasakyan.

"Gaga", nagtitimpi pa nga akong sigawan siya ng pagkalakas lakas dahil sa ginawa niya . Tapos... tapos tatawagin pa akong gaga... Nang-iinis ba 'to?

"Oy BLAKE BLEVERIN!!! Ayaw kong ungkatin ang nakaraan pero sumusobra ka na ah. Kinaladkad mo lang naman ako ,at napakaswerte mo pa't sumama ako. Bipolar ka din eh no? AS FAR AS I REMEMBER, NOON... Bago mo ako iniwan wala naman akong ginawang masama sa 'yo para hindi mo ako pansinin, maging weirdo sometimes, magpapakita na akala mo namiss mo ako ng higit isang dantaon at ngayon naman, muntikan akong maiuntog. Aba ha, ARAY KO NAMAN", sarkastik kong mga litanya. Poker face pa rin siyang nakatingin sa akin na tila wala lang o nonsense akong kausap... nakaka... URGHH!

"Tapos ka na?", sarkastik rin na saad niya at nagroll eyes pa..

Aba't bakla 'to ah..

_____
_____

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon