PART 9

1K 15 1
                                    


________
________
________

Gaya ng dati, sabay kaming naglalakad ni Blake papuntang school.

"Why are you silent?", tanong ni Blake sa akin.

"Blake, ano ba tayo?", seryosong saad ko. Tumigil kami ni Blake sa paglalakad at humarap sa isa't isa.

Tiningnan niya lang ako ng blangko at tila hindi makapaniwala sa tinanong ko. Bigla akong nataranta at sinisisi ang dila ko.

Ba't ko sinabi yun? Naku naman...

"Hahhahahaha, seryoso mo naman ata... Tara na nga, baka malate pa tayo?", palusot ko. Nauna akong naglakad at hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga sinabi ko kanina. Parang ang bilis ko naman ata. Am i really confused to my feelings?

"CYLIN!", sigaw ni Blake. Napatigil ako sa paglalakad at kinabahan. Seryoso ang pagkabigkas niya sa pangalan ko kaya nataranta ang pulso ko.

Hinintay ko siyang makalapit sa akin habang nakatalikod ako sa kaniya.

"Do you really want to hear it right now?", natriple ang paghuhuramentado ng pulso ko. Tila nahihiya na akong tumingin sa kaniya kahit ako naman ang nanguna.

"Gusto mo ba talagang malaman?", he repeated. At ako naman na nawawala sa sarili umiling ako.

"Hindi ko alam" , mahinang saad ko.
Tiningnan ko si Blake na seryosong nakatingin sa akin. Kinabahan pa ako lalo dito at pakiramdam ko'y mawawalan ako ng malay pag-itutuloy namin itong pag-uusap.

"We---"

"HALA!! Kailangan na nating magmadali", pagputol ko sa sasabihin niya. Nauna ulit akong naglakad.

Sakto naman ang pagdating namkn sa school dahil naglilinya na angako mga estudyante.

"Oooy, matibau talaga kayong dalawa ah", panunukso ng isa kong kaklase na si Myra. Nginitihan ko lang sila at nakilinya na rin. Pero hindi ko inaasahan na magkatapat lang kami ni Blake sa linya kaya hindi ko maiwasan ang makaramdam ng awkward.

Sa silid naman na magkatabi pa kami ni Blake ng inuupuan ay lalo akong nakaramdam ng saliwa. Ngayon lang ito nangyari for the past 8 months.
Tahimik naman si Blake at parang kalmado samantalang ako ay hindi nananahimik ang kalooban.
Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi ng mga guro. Nakakuha pa ako ng mababang score sa quiz namin. At sa lahat ng subjects ay hindi ako nakakapagrecite.

"Anong nangyari sa iyo?", tanong ni Zoey sa akin ng makalabas kami sa classroom. Lunch break na pero parang napakabagal ng oras.

"Bakit", tugon ko sa kaniya.
Bigla naman siyang nambatok.

"ANO BA! Seryoso ang tao kaya pwede ba", inis kong saad sa kaniya. Nabigla kasi akp sa ginawa nito.

"Ayan, pak na pak.. Nagising ka", saad ni Zoey na tila hindi apektado sa pagtataas ko ng boses sa kaniya.

"Tss", pagroll eyes ko.

"Bumababa na ba ang I.Q mo, arang wala ka namang nasugatang tama kanina" sabi ni Zoey. Bumuntong hininga muna ako.

"Ewan ko nga eh... pero kayo ang may kasalanan kong bakit ako nagkakaganito", diretsa kong sabi.

"Aba aba!! At bakit?", hindi makapaniwalang saad ni Zoeh at namewang pa.

"Nga pala, nasaan ang kakambal mo?", tanong ko muna . Wala kasi si Carlitp sa tabi niya.

"Ayan pa ha!! Anong klase kang bestfriend, itinuring ka pang sekretarya ng buong klase hindi mo pa alam kung sinong absent,... tapos, tapos si Carlita pa?? Naku naman, madali ka atang makalimot, paano na yan pag kolehiyo na tayo, pag-nagkaanak ka? Edi nakalimutan mo na kaming maging ninang ng anak mo. GRAVE TE.", mahabang litanya bni Zoey. Iniwan ko tuloy siya. Ang daming sinasabi eh.

"HOY!! Ang bastos mo pa!", sigaw ni Zoey.

Wala pa namang tatlong segundo ay nakalapit si Zoey sa akin at binatukan ulit.

"Ano ba kasing problema mo?", tanong niya sa akin.

"Magulong isipan, at abnormality ng heart beat.. ano may gamot ka ba diyan", sabi ko. Bigla naman siyang napatakip sa bibig.

"Oh my gosh", utal niya. Binigyan ko naman siya ng kunot noo.

"That musy be LOOOVE", masayang saad niya.

"Kayo talaga! Kahapon lang binigyan niyo ako ng riddle na hindi ko masagot sagot, tapos ngayon naman binibigyan mo ako ng hindi kapani-paniwalang clue.", sabi ko. Sumimangot ako at sinimulang maglakad. Sumabay naman si Zoey.

"Hindi ko masasabi ang sagot sa big question mong mga yan kung hindi mo ipapaliwanag mg mabuti", matinis na saad ni Zoey.

"Bakit niyo ba kasi itinanong kong anong namamagitan sa amin ni Blake kahapon?", malungkot kong saad. Yumuko ako.

"Sabihin mo lang ang lahat , HUWAG LANG ANG PAG-IBIG MO KAY PAPA BLAKE!", inis na saad ni Zoey at inisnoban ako. Nauna naman siyang naglakad dahil sa kaniyang inis. At ngayon naiwan akong may katanungan.

Pag-ibig ko kay Blake? Possible kayang totoo yun?

________
________
________

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Where stories live. Discover now