CHAPTER 8: GROUP ACTIVITY

45K 1.1K 14
                                    

Kyle's POV

"Uyy, abot mo nga yung gunting!"

"Yung pandikit nasan na?"

"Ano ilalagay ko rito?"

"Yuck, wag mo nga akong pahiran ng glue. Eww~Gross."

"Arte mong demonyita ka! FYI, you're not even beautiful."

"Aba't-- how dare you to say that?"

"Pwede ba? Kanina pa kayo nag aaway. Ikaw kasi Diamond, ba't ba napaka arte mo?"

"Babe look oh, pinagtutulungan nila ako."

"Tigilan niyo nga GF ko."

"Yan naman kasing GF mo eh, arte arte kala mo naman ang ganda niya."

"You bitch, ang kapal mo!"

"Yeah yeah, whatever."

"CAN YOU ALL SHUT THE F*CK UP? YOU RUINED MY SLEEP! TSS!" napatahimik silang lahat nang sumigaw si James. Natutulog kasi silang dalawa ni Zavier.

"Tss, wag daw maingay pero siya ang ingay. Nagising tuloy ako," cold na singit ni Alex.

"Tss, pinatahimik ko lang sila. Ang ingay kasi," cold rin na sabi ni James.

"Whatever you say," Alex sabay roll eyes.

"Tsk. Noisy people," sabay na sabi ni Ziana and Zavier.

Huhuhu, nagsalita na naman po sila, nakakapangilabot pala silang magsalita lalo na kung sabay pa. Nagkatinginan silang dalawa sa isa't isa at sabay ring umiwas. Hmm~ I smell something fishy.

In fairness, bagay sila.

"Pwede ba, tapusin na natin to, may pupuntahan pa kami," bagot na saad ni Jashiel at pinagpatuloy ang ginagawa, kaya tinuloy na rin namin ang ginagawa namin.

---

Charlene's POV

Tahimik naming ginagawa ang pinapagawa namin kaso, ang ingay ng dalawang hipon dito at ang landi, psh.

"Clyde baby, turuan mo nga akong gupitin to, paano ba?" See, pati pag gupit nakalimutan niya na ba?

Tanga talaga. Nanatiling tahimik lang na tinuruan ni Clyde.

"Hon, pwede bang dito ka sa tabi ko? Sumasakit na kasi yung ulo ko eh, kanina pa ako nag reresearch dito." sabi naman ni Trisha.

"Anong sumasakit? Eh ako nga yung gumawa lahat ng research niya eh," naiinis na bulong ni Gorcelle. Pfft, kanina pa yan badtrip, hahaha.

Paano ba naman, halos siya na yung gumagawa nung dapat ay kay Trisha.

"Sige magpahinga ka na muna, Hon. Gorcelle ikaw na muna bahala sa research niya. Pagpapahingahin ko lang si Trisha," baling ni Clinton kay Celle.

Tumaas naman ang kilay ni Gorcelle, "Wow kapal! Ano 'to? Ako na lang gagawa ng lahat ng research niya? Pagod na rin kaming lahat, nagreklamo ba kami? Pare-parehas lang tayong may ginawa rito maliban diyan sa jowa mong tumunganga simula kanina pa. Napapagod rin kami!" reklamo niya.

Agad namang natahimik si Clinton sa sinabi ni Gorcelle. Totoo naman kasi, walang ginagawa yung jowa niya tapos kung magreklamo akala mo siya gumawa ng lahat.

"Sige, ako na lang ang gagawa,” saad ni Clinton. Aba dapat lang! Jowa mo 'yan e!

"Magluluto na muna ako ah. Sige patuloy niyo yan," paalam naman ni Charles.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now