CHAPTER 23: TYLER AND STEPH, ALEX AND JAMES

28.6K 738 21
                                    

Stephanie's POV

"Steph, mall tayo. Libre kita," yaya sakin Tyler na labs ko hihi.

Shet, I'm so harot na! Nahahawa na me sa mga friends ko. Okay, Steph, stop that kind of alien language. Tsk, pati sarili ko kinakausap ko na. Malala na ako.

"Sige ba!" Masayang sagot ko.

Aba! Sino ba ang tatanggi sa libre.

...

After 30 minutes...

Nakarating na kami sa Sone Mall. Mall ng mga magulang naming magkakaibigan. May iba't ibang branch sa bawat sulok ng mundo at talagang kilala.

Maraming nagsitinginan na tao sa kaniya pag pasok pa lang namin sa entrance. Nung nakita at namukhaan ako ng guard, yuyuko na sana siya ng nag sign ako na wag na at tumango na lang.

Buti na lang yung ibang staff dito hindi ako namumukhaan dahil nga sa nerd ako. May ibang tauhan lang talaga na malakas ang pakiramdam dahil tauhan ng organization katulad na lang nung guard kanina.

"San mo gustong pumunta?" tanong niya sakin.

"Kahit saan," sagot ko. Eh sa wala akong maisip puntahan eh.

"Ah, alam ko na. Tara bilis!" sabi niya at hinila ako papunta sa....






Hello Kitty World?

Seriously?! Pffttt, bakla na ba siya?

"Hey, if you're thinking that I'm a gay, I'm not. Favorite ko lang talaga si Hello Kitty," sabi nito. Defensive ang lolo mo!

"Hahaha, okay. Sabi mo eh," tanging nasabi ko na lang.

"Aish, tara na nga lang!" sabi niya at hinila ako papasok.

Pumili kami ng pwedeng bilhin. Maya maya, naramdaman ko na lumayo si Tyler sakin. Hinayaan ko na muna kasi baka may bibilhin lang siya.

Nag hanap hanap ako, may nakita akong bracelet pink kaya kinuha ko agad yun. Mahirap na baka maunahan pa ako ng kung sino. Limited yata to? Nag iisa eh.

Bago ko yun makuha may sumita sakin. Nag init ang dugo ko sa sinabi ng staff ng store na 'to.

"Miss, mahal yan. Baka hindi mo mabayaran, pinapaalalahanan lang kita," she said.

So unprofessional, and I don't like it!

I gritted my teeth because of anger. How dare her say that! Maturuan nga ng leksyon ang isang 'to.

"Miss, kung mahal man 'to, wala na akong pake. At tsaka, di naman ako gano'n kahirap para di mabayaran 'to. Mag ingat ka sa mga sasabihin mo sa susunod ha, baka nang dahil diyan sa ugali mo mawala lahat sayo," I said then smiled at her sweetly.

Subukan niya akong hamunin. Hindi ako madadalawang isip na patalsikin siya rito.

"Bakit? Kaya mo bang gawin yun? Hindi naman diba? You're just nothing, but a pathetic nerd," she said and smirk at me.

Who the hell hired this kind of woman? Tsk, I think, a woman like her should be fired by now because of her actions. Masampolan nga tong hipon na 'to.

Just because I'm a nerd she's having the guts to say those? Utak talangka.

"Are you really trying me, Bitch?" I asked then smirked back at her.

Ngumiti siya na parang nanghahamon talaga.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now