Epilogue

34.8K 853 89
                                    

Shanelle's POV

"Shan, kausapin mo naman ako." nilingon ko naman ang babaerong Kit na to.

"Ano ba kasi kailangan mo?" Inis na tanong ko.

"Bat ka ba di namamansin? May problema nanaman ba tayo?" Naiinis na rin na tanong niya.

Nakaksawa na rin minsan eh. Lagi na lang kaming away bati.

"Gusto mo malaman?" Nanghahamon na sabi ko.

"Tell me." mahinahon na ang boses niya ngayon.

"Kit, matagal na tayo pero, nambababe ka pa rin. Sorry ka ng sorry at di na uulitin tapos magugulat na lang ako, nakikita kitang may kahalikan. Gaguhan na lang ba to Kit? Pagod na ako sa totoo lang! Pinatawad kita ng pintawad kasi mahal kita pero, sa tuwing papatawarin kita, gagawin mo nanamn ulit. Pagod na ako Kit." di ko na mapigilan umiyak.

"T-Teka, hindi na ako nambababae. Kahit itanong mo pa kela Zavier." sabi niya.

"Wag ka na mag sinungaling! Nakita kita sa mall, sino yung hinalikan mo sa pisngi? Sino yun? Sumagot ka!" Sigaw ko.

Nainis naman ako ng pinagtawanan niya ako. The hell? Ano nakakatawa sa sinabi ko.

"Hahahahaha!" Sige tawa pa!

"Bahala ka sa buhay mo. Break na tayo!" Sigaw ko.

Tatalikod na sana ako ng hilahin niya ang braso ko. Napaharap ako sa kanya, agad niya naman akong hinalikan ng marahan, hindi ko alam pero parang may sariling isip ang labi ko at tumugon sa kanya.

"Shan naman, pati ba naman magiging sister in law mo, pagseselosan mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

So kapatid niya, pinagselosan ko? Omo! Nakakahiya. Agad naman ako namula.

"Bat di mo agad sinabi?" Inis na singhal ko.

"Nagtanong ka ba?" Nakakalokong ngiti niya, ayan nanaman.

Tsk. Pasalamat tong lalaking to, mahal ko siya.

"Bwisit ka! I hate you!" Pabirong sabi ko.

"Ouch naman! Kunware I love you narinig ko. I love you too, Shan." he said then kiss me for the second time.

"I love you, Kit. Kahit gago ka." pabirong sabi ko.

Nag pout naman siya. Ang panget niya, hmp.

"Yiee, nag bablush siya. Nahalata ko yun kahit maitim ka ah." sabi niya pa at agad tumakbo.

Nandito pala kami sa gitna ng field ng school. Hinabol ko naman siya, hanggang sa mapagod kami at nahiga sa damuhan. Nakaunan ako sa braso niya at pareho kaming nakatingin sa langit.



---

Jashiel's POV

"Jashiel, let's talk." seryosong sabi ni Lucas.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now