Chapter 45

31.9K 712 11
                                    

Ziana's POV

Nakaharap ako ngayon sa computer ko. Kasama ko Lian na may ginagawa rin sa harap ng computer niya.

Sinusubukan kong humanap pa ng ibang impormasyon tungkol sa 'Your Worst Nightmare' na yun.

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko muna ito.

Save your dearest friend if you want her alive. Hurry, Dear.

-Your Worst Nightmare

Siya nanaman? Wait, ano daw? Tinawagan ko agad ang tauhan kong nagbabantay sa mga kaibigan ko.

"Hello Queen?"

"Sino ang wala diyan?" Seryosong tanong ko rito.

"Umalis po si Ms. Stephanie kani kanina lang. Bukod sa kanya wala na pong ibang umalis."

Agad kong ibinaba ang tawag. Sh!t. This can't be! Agad kong trinack ang location ni Steph.

"What happened?" Tanong ni Lian.

"I'll explain later. Ikaw na muna bahala rito." sabi ko at kinuha ang susi ng motor ko.

Agad akong pumunta sa garahe at kinuha ang motor ko. Agad akong sumakay at pinatakbo ako ng mabilis.

Naabutan ko ang kotse ni Steph na pa gewang gewang. I guess walang break ang sasakyan niya kaya di niya nahinto.

Nakita kong malapit na siyang mahulog sa bangin. Oh sh!t. May nakita akong poste, binilisan ko ang takbo ng motor ko at hinarang ito sa edge ng bangin. Muntik pa akong mahulog.

Nakita kong iniliko niya agad ang sasakyan kaya nabunggo ang kotse niya sa poste.

Bumaba ako ng motor ko at binuksan ko ang kotse niya, wala siyang malay sa loob. Nilabas ko siya at nilayo sa kotse dahil alam kong sasabog yun.

Di nga ako nagkamali, sumabog rin yun.

Agad ko siyang dinala sa ospital. Kinuha ko ang phone niya at tinawagan si Alex.

"Hello Steph?"

"Go to Hwang Hospital, now!"

"Who are you?"

"Just follow what I say!" Sabi ko at binaba ang tawag.

10 mins passed at may nakita akong papasok sa hospital nila Steph.

Itinaas ko ang hood ng jacket ko at nagtago. Na transfer na rin daw si Steph sa private room dito. Pumasok roon sila Alex.

May nakita akong nurse na papasok sa kwarto rin ni Steph at kahina hinala dahil sa kilos niya.

Ha! Kung sila maloloko mo, pwes ako hindi! Pagkapasok niya, dahan dahan ko ring binuksan ang pintuan at nakinig sa loob.

"May ituturok lang po akong gamot kay Ma'am Steph." alam kong yung nurse yun.

"Okay." I heard Abby said.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now