Chapter 62

34.8K 697 13
                                    

Gorcelle's POV

Masaya na kami ngayon. Natahimik na ang buhay namin pagtapos ng nangyari 2 years ago.

Yung iba, nagkapatawaran na rin at nagkabalikan.

Si Ana naman, nililigawan na siya ngayon ni Raf.

Si Lian, nangibang bansa pagtapos ng nangyari.

Si Charlene, Clyde tuloy tuloy na ang relasyon.

Si Jashiel at Lucas, one month after ng nangyari, naging sila ulit. Pinatawad na ni Maknae si Zach at sila na ulit ngayon.

Si Abby at si Christian, maaga na engage, pano ba naman kasi, excited yung mga yun pero matagal na naman ang kasal.

Si Shanelle at Kit, ayun away bati lagi dahil sa pagka babaero ni Kit.

Si Steph at Tyler, ewan ko, paiba iba mood ng dalawang yun, minsan sweet minsan naman parang aso't pusa.

Si Alex at James, sila na. Nalaman din ni James na si Alex ang childhood friend niyang nadisgrasya noon, mag kasama si Alex at Ziana sa disgrasya dahil sila ang pinaka unang magkaibigan saming lahat.

Naaksidente sila nung 4 or 5 years old sila at di na bumalik pa ang memory nila.

Si Ziana at Zavier naman, hindi namin alam kung anong meron sa kanila. Kasi, pag kaharap nila kami, parang di sila magkakilala at di nag papansinan.

One time, nahuli namin sila, nasa kwarto noon ni Ziana at nagtatawanan. Siguro ayaw lang nila talaga ipakita sa iba ang sweetness nila.

Yung tatlo naman na sina Andrei, Kyle at Charles may mga nililigawan na rin. Hindi ko nga inakala na liligawan ni Andrei yung fangirl niya nun na sobrang patay na patay sa kanya eh.

Si Charles naman nag ka girlfriend ng model, oh diba taray ni Charles model ang nabingwit.

Si Kyle, naghihirap manligaw sa ex niya ulit.

At sa mga bata naman, sila Zianie, hindi muna namin pinayagan magligawan. Nalaman pa nga namin nun na nagliligawan na sina Nicalie at Allen eh, pero kinausap namin sila at pinag sabihan kaya mag aantay na daw muna sila.

At kami naman ni Clinton, ewan ko sa bakulaw na yun. Kinalimutan ba naman ang 1st Anniversary namin. Andito tuloy ako ngayon sa kwarto, nag mumukmok.

"Gorcelle, kakain na." sigaw ni Charlene sa labas ng kwarto ko.

"Wala akong gana!" Sigaw ko pabalik.

"Bahala ka nga!" Sabi niya at narinig ko ang yapak niya na papalayo.

Ay ganun, di man lang ako pinilit? Psh, bahala sila.


Beep Beep

Napatingin ako sa phone ko at tinignan kung sino yung nag text.


From: Clint <3

Fix yourself. Sunduin kita ng 6pm.

Psh, bahala siya. Matutulog muna ako.

...

Naalimpungatan ako at tumingin sa clock sa bedside table ko. Shocks! 6:10 pm na. Agad akong nag ayos ng sarili at bumaba.

Nakita ko silang naguguluhang nakatingin sakin.

"San lakad mo?" Tanong ni Shan.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now