CHAPTER 12: MEETING RAF

37.4K 963 6
                                    


Chrystal's POV

"Where are you going Ziana?" Jashiel unnie asked when she saw Ziana unnie going out of her office.

"Somewhere," she answered then left the office.

"Sundan natin siya?" sabi naman ni Gorcelle unnie.

"Tara," sabi naman ni Charlene unnie.

"Pero pa'no kung malaman niya?" tanong ni Abby unnie habang kumakain ng apple na nakuha niya rito sa office

"Duh! We can hide. Tsk, where's your brain Abby?" Sabi ni Steph unnie with her maarte tone na lagi niyang gamit.

"Tss," sagot naman ni Abby unnie.

"Tara na nga lang. Hoy, Alex, come with us," sabi naman ni Shan unnie.

"Tsk," cold na saad nito at pumikit pero hinila siya patayo ni Shan unnie kaya wala na siyang nagawa.

...

Nakarating kami sa Music Room pagtapos naming sundan si Ziana unnie. Kakanta na naman siguro siya ^o^

Magaling siya kumanta kaya gustong gusto namin siyang marinig na solo kumanta hindi yung kasabay niya kami kasi konti lang line niya.

Kinanta niya ang 'Why' yung gawa gawa niya lang nung nasa korea siya. Nung natapos yung 'Why' sinunod niya naman ang 'I'.

"Wag niyo ko siksikin di ko marinig!"

"Hey, don't push me."

"Nagugutom ako."

"Ako rin."

"Mga PG."

"Tsk, noisy creatures."

Nagsisiksikan kami dito sa may pinto ng music room habang pinapakinggan ang boses ni Ziana unnie, nagulat kami ng bumukas ito at iniluwa siya, blanko lang ang mukha niya at nilagpasan kami.

Nagsubsuban kami pagkabukas niya kaya hirap kaming nagsitayuan dahil nagkadaganan pa kami.

"Ang bigat mo Gorcelle!"

"Aray, Jashiel alis!"

"Takte ano bang kinain mo Steph at sobrang bigat mo yata?"

"Hey I'm so sexy kaya! I'm not mabigat!"

Buti na lamang at nasa taas nila ako kaya mabilis akong nakatayo at tinulungan silang tumayo isa isa.

---

Ziana's POV

Tss, akala nila di ko alam na nandun sila. Kumanta ako kahit alam kong madaming nakikinig sakin kasama na si Zavier, James. Nandun yung dalawa sa isang gilid nagtatago habang nakikinig sakin.

Singing was always been my stress reliever or if ever I am bothered. Dinadaan ko lahat sa kanta.

Dumiretso ako sa garden pag alis ng music room, magpapahangin muna ako.

"Aray! Tama na. Hindi naman po ako magsusumbong eh," rinig kong sabi ng isang lalaki.

Hindi naman sa tsismosa ako, na curious ako kung saan galing yun kaya sinundan ko.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin