CHAPTER 16: AMUSEMENT PARK

35.4K 936 19
                                    

Steph's POV

Matapos ang aming 1 night vacation (lol) sa resort nila Charlene, umagang umaga pa lang ay nakahanda na ang lahat pabalik ng Manila. Naging masaya naman kagabi at masasabi kong nag enjoy ang lahat.

"Since linggo naman ngayon at may pasok na ulit bukas, ba't hindi natin sulitin na 'to?" suggest ni Tyler.

Napaisip naman ako ro'n, bet ko yon! Ewan ko lang sa iba pero for sure si Ziana, KJ yan at mas gugustuhing dumiretso uwi na.

"Sounds fun! Sa'n ba ang punta natin?" excited na tanong ni Celle.

"Majority tayo! Sa Mall ang boto ko!" agad na sabat ko.

Shopping is life! After shopping, relax at the spa! Ohh heavens!

"Nakakasawa na ang mall! Why don't we try something new?" tutol ni Shan sa suggestion ko.

Hmp! Sabunutan ko kilay niya eh! Epal ng babaeng 'to!

"What about amusement park?" ani Christian.

Agad naman siyang sinuntok ni Abby sa braso. Ang sadista ng babaeng 'to!

"You're a genius, Christian! Bet ko riyan sa amusement park! Tapos ang dami pang pwedeng kainan at kainin! Ang galing mo!" saad ni Abby.

Seriously? Kailangan niya suntukin ang braso ni Christian para lang do'n? Or nanantsing lang 'tong si Abby. Pasimple ang gaga!

"Kung may pagkain diyan, count me in!" agad na segunda ni Jashiel.

"Seems fun! Count me in!" sang ayon ni Charlene.

Followed by Gorcelle, Chrystal at Shan.

Napatingin naman sa akin ang boys. I gave them a shrug, do I have a choice? Tsk.

"Majority ang sinabi ko at nanggaling mismo sa akin. I don't have any choice," sagot ko.

Napatingin naman kaming lahat kay Alex at Ziana na kanina pa tahimik. For sure si Alex kahit papaano go with the flow lang yan. Si Ziana, 25:75. 25 for she's going and 75 for not.

"You all are coming, count me in," ani Alex.

Ngayon lahat kami ay inaabangan ang magiging sagot ni Ziana. Kung sasama ba siya or magmumukmok sa bahay.

"What?" sikmat niya nang maramdaman ang titig naming lahat sa kaniya.

"You coming with us, unnie?" tanong ni Chrystal.

"No, I wanna rest."

As what we've expected -_-

Hindi naman na namin mapipilit ang babaeng 'to. Kaya hinayaan na lang namin siya pero nagsalita si Zavier na nakapagpatigil sa aming lahat.

"Killjoy," ani Zavier.

Naningkit naman ang mata ni Ziana, "What?"

"You're a killjoy," ulit ni Zavier.

Saan ba kinukuha ni Zavier ang lakas ng loob para ganiyan ganiyanin si Ziana? Kung alam niya lang ang kayang gawin ni Ziana lalo na pag uminit ang ulo nito sa kaniya, panigurado goodbye future tong si Zavier.

"Careful with your words, mister."

Para lamang kaming lahat na mga manonood na nanonood ng isang teleserye habang palipat lipat ang tingin namin sa dalawa.

In fairness sa kanila, nagiging madaldal sila pag kausap ang isa't isa ha! I smell something fishy!

Nagsmirk naman si Zavier, "What are you gonna do, nerdy? Punch me in the face again? Or kick my balls?"

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now