Chapter 53

30.2K 654 10
                                    

Charlene's POV

Pagkatapos ng dramahan sa bahay, pumunta na lang kaming mall. Si Ana ang lungkot ng mukha, siguro dahil kay Alex.

"Uyy Ana, ngiti ka na diyan. Wag ka mag alala, matatanggap ka rin ni Alex." sabi ni Gorcelle sa kanya.

"Hayaan mo muna siyang maka move on sa pagkamatay ni Ziana." dagdag ko.

Pag kasama namin si Ana, naaalala ko ang dating Ziana sa kanya. Yung masayahin, friendly at childish.

Ewan ko kung napapansin din yun ng iba pero, ako napapansin ko yun.

"San tayo unang pupunta?" Tanong ni Shan.

"Sa McDo!" Sabi ni Abby. Tsk, patay gutom.

"Mamaya na tayo kumain." sabi naman ni Gorcelle.

"Arcade tayo!" Masayang sabi ni Ana.

"Tara." sang ayon namin.

Pagkarating namin, agad na pumunta si Ana dun sa Basketball.

Pumwesto siya, tinabihan siya ni Steph at mukhang maglalaban sila.

"Laban tayo?" Naghahamon na sabi ni Ana kay Steph.

"Game. If I win, kailangan mo ko bigyan ng Pink stuffs." nakangising sabi ni Steph.

"Okay, and if I win. Tutulungan niyo ko mapalapit kay Alex." sumang ayon naman si Steph.

Naglaban sila ng naglaban hanggang sa lumamang si Ana. Magaling rin siya sa basketball katulad ni Ziana.

Miss ko na siya at nang dahil kay Ana, naalala ko siya.

"Yehey!! Panalo ako!! So pano ba yan? Tutulungan mo kong makalapit kay Alex ah, para naman di na siya magalit sakin." masayang sabi ni Ana.

"Ang daya! Oo na!" Suko ni Steph habang nakapout.

"Hey, kain na tayo. Please!" Sabi naman ni Abby.

"Tsk, di pa nga kami nag eenjoy eh." sabi naman ni Gorcelle.

"Haisst, tara na nga lang. Sa susunod na lang tayo mag Arcade ulit. Baka di makapagpigil si Abby at tayo ang makain niya." natatawang sabi ko.

Umalis na kami dun at pumuntang McDo dahil gusto niya daw dun.

"Teka, Groufie tayo! Smile~" sabi ni Ana kaya napatingin kami sa camera niya at nag smile.

"Kyaahhh, pasa mo sakin, ipopost ko sa IG ko" sabi ni Celle habang nilalabas ang phone.

"Ingay naman nitong babaeng to! At sinigaw pa talaga, kala mo naman nasa kabilang bundok yung kausap." sabi ni Shan sabay taray.

"Psh, masama na bang ma excite?" Pagtataray rin ni Celle.

"Bat kapag na eexcite kailangang tumili?" Naiinis na sabi ni Shan.

"Oo, para ma express yung feelings. Para damang dama." sabi ni Celle

"Psh, dami mong alam. Kumain ka na lang, gutom lang yan!" Sabi ni Shan at sinubo kay Celle ang napakaraming french fries.

Tinignan naman siya nito ng masama pero tinawanan niya lang. Baliw na sila, tsk. Tsk.

"Pfsh, kung *nom* ayaw niyo *nom* kumain, *lunok*. Ibigay niyo na lang sakin yung mga pagkain niyo, sayang naman." sabi ni Abby at kumain ulit.

Nako! Talaga, di muna nilunok bago mag salita! Bastusing Bata!

"Unnie, Don't talk when your mouth is full." sabi ni Maknae.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now