CHAPTER 15: POOL FLI(PA)RTY

36.7K 939 11
                                    

Jashiel's POV

"Slow down eating. Walang aagaw ng kinakain mo," sinamaan ko ng tingin ang katabi kong si Lucas.

"Huwag mo kong pakialaman. Do'n ka sa pool! Do'n ka manggulo," taray ko sa kaniya.

He chuckled at what I said. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"You're cute when you're pissed off," saad niya.

Inikutan ko siya ng mata sa sinabi niya.

"I'm pretty, not cute!" giit ko.

"Pretty nerdy, yeah."

Hindi ko mapigilang mamula sa sinabi niya. Bumabanat banat pa siya riyan. Siya kaya banatan ko? Tsk!

"Iwan mo na nga ko rito, panggulo ka sa nananahimik na kumakain eh!" taboy ko.

Inilingan niya lamang ako.

"I more like it here because you're here and it's peaceful," saad niya.

Namumuro na ang lalaking 'to kababanat niya ha! Bye mom, I found my Mr. Right! Joke!

"Bahala ka riyan. Basta ako kakain lang ako rito," sagot ko.

"Don't worry. I won't bother you. Panonoorin lang kita," sagot niya naman.

Hindi ko na lang siya pinansin. Basta kakain ako kahit naiilang ako! Bahala siya!

---

Gorcelle's POV

Agad akong umahon at lumanghap ng hangin. Bwisit na Clinton 'to! Hindi nagsasabi na manghihila pala papunta sa pool!

"Bwisit ka!" inis kong sigaw rito at binatukan siya ng pagkalakas lakas.

"Aray naman! Ang bigat ng kamay mo!" reklamo niya.

Buti nga sa kaniya!

"Ba't ba bigla bigla kang nanghihila?!" inis na tanong ko at sumampa paupo sa gilid ng pool.

Gano'n din ang ginawa niya pero dahil sa may pagka demonyo ako, tinulak ko siya bago siya masalampak sa gilid.

Agad akong tumawa nang umahon siya at umubo ubo pa.

"Ba't mo ko tinulak?!" balik tanong niya.

"Gaya ng dahilan mo kung bakit hinila mo ko sa pool!" sagot ko.

"Kung gano'n, tinulak mo ako dahil gusto mo rin akong masolo at makasama?" tumataas babang kilay na aniya.

Agad naman akong napakunot noo sa sinabi niya. Ang kapal!

"Tinulak kita dahil trip ko! Wag kang assumero!" saad ko sabay irap.

Tumawa naman siya sa reaksyon ko. Napatitig ako sa kaniya lalo na nang lumabas ang dimple niya habang nakangiti siya. Ang gwapo niya pala talaga.

"Gusto ko lang naman magsaya tayong dalawa gaya ng iba. Tignan mo sila oh, nagpaparty!" aniya sabay turo sa iba naming kasamahan na nagkakasiyahan din.

Inilibot ko naman ang tingin ko at totoo nga ang sinabi niya. Pero halos manlaki at lumuwa ang mata ko nang makita kong basa na rin si Ziana at nasa pool habang nasa tabi niya si Zavier na tawa nang tawa.

"D-Did Zavier just pulled Ziana to dive in the pool?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Nadako rin ang tingin niya sa direksyon ni Ziana at Zavier. At gaya ko, nagulat din siya.

"Wow! Ang tapang ng leader namin!" proud na aniya.

Agad ko naman siyang binatukan ulit.

"Aray! Namumuro ka na Gorcelle ha!" reklamo niya.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя