Chapter 51

32.4K 702 64
                                    

Stephanie's POV

Its been 3 days since we found out that Ziana already passed away.

Wednesday na ngayon, at pinapapasok na kami sa school. Mom said, tapusin ko raw ang pag aaral ko, tapos na nga ko noon pa.

"Steph, Let's go." Gorcelle said outside my room.

Walang gana akong lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Ako na lang pala ang hinihintay.

"Tara na." walang buhay na sabi ni Shan.

Matamlay kaming lumabas ng pinto at pumunta sa Van.

Pagkarating namin sa school, pinag bubulungan na agad kami.

Tsk, di ba sila nagsasawa?

Pumunta na lang kami sa classroom at umupo sa upuan namin. Napatingin ako kay Tyler na ngayon ay nakatingin rin pala sakin. Inikutan ko siya ng mata at natulog na lang ako.

"Good Morning Class." bati ni Mrs. Reyes. Walang bumati sa kanya pabalik. Sanay na siya dyan syempre. "Okay, our lesson for today is about blah blah blah..." Di ko na pinagtuunan pa ng pansin ang pakikinig sa lesson niya dahil alam ko na yun.

Tok Tok

Someone knocked on the door pero wala pa rin akong pakielam.

Inaalala ko ngayon ang tungkol sa ala ala ni Ziana samin na kailanman di na mauulit.

"Hi everyone. I'm Ana Smith. New girl here in ADA. Hope we can all be friends" masayang sabi nung nasa harap pero di ko pa rin ito nililingon.

Pero Smith? Kaano ano siya nila Ziana?

"Okay, you may now take your seat." I heard Mrs. Reyes said.

"Hi, can I sit here?" This time napalingon na ako sa babaeng to.

S-She look like Ziana. Kahawig niya siya. Nakangiti siya habang nagtatanong kung pwede umupo sa upuan ni Ziana na katabi ni Alex.

Walang imik si Alex kaya aalis na sana siya.

"Wait!" Sabi ko at tumingin naman siya sa gawi ko.

"Yes?" Tanong niya.

"You can sit there." sabi ko. Ngumiti naman siya sa sinabi ko.

"Really?" Masayang sabi niya.

"Yes." sabi ko. Nginitian niya muna ako ulit bago pumunta sa upuan ni Ziana at umupo dun.

...

Break na namin ngayon. Pinauna na namin makalabas ang iba at ang naiwan na lang sa classroom ay kami at yung transferee.

Paalis na sana kami nang,

"Wait!" Sigaw nung Ana ba yun?

Nilingon naman namin siya.

"Bakit?" Tanong ni Abby sa kanya.

"Ahm ano kasi, pwede bang sumabay sa inyo? Wala kasi akong kasabay kasi bago lang ako dito." nahihiyang sabi niya.

"Yeah, sure. You can come with us." sabi naman ni Charlene.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now