Chapter 57

34.3K 755 6
                                    

James' POV

Nandito kami ngayon sa field nakatambay. Ewan ko kung nasaan sila Alex.

I'm also happy because she gave me second chance. Bago ako mag confess sa kanya, nakipag break muna ako kay Jyle.

Nakipag break na rin naman lahat samin sa 9LQ kaya problema na lang iba samin ang pag coconfess.

Pero si Zavier, di pa rin siya nakikipag break kay Haziene.

Sabi niya kasi, hindi naman daw tama na hiwalayan niya si Haziene ng ganun ganun na lang kaya kahit wala siyang nararamdaman kay Haziene, di pa rin siya nakikipag break.

Ang gulo rin ng lalaking yun, tss.

Attention, all students, Please proceed to the gym immediately . Again, all students, Please proceed to the gym, immediately.

Teka, bat lalaki yung nagsalita sa speaker? Usually babae yun ah? Pero dahil sa curious kami, pumunta na lang kami dun.

Pagkarating namin, nandito na halos lahat. Nag antay kami ng ilang minuto, maya maya, nakita namin ang mga men in black sa harap.

Nagsalita ito ng malakas kaya rinig naman ng lahat.

"ATTENTION, 9LQ MAGPAKITA KAYO NGAYON. PAG HINDI KAYO NAG PAKITA, PAPASABUGIN NAMIN ANG BUONG SCHOOL NA TO!" Sigaw niya.

Lahat ay nagtinginan kela Haziene na hindi ngayon makagalaw.

"Haziene, pumunta na kayo dun. Ayaw namin mamatay"

"Oo nga, kayo ang hinahanap nila"

"Ayaw namin madamay kaya pumunta na kayo sa harap"

"Matapang kayo diba? Iligtas niyo ang buong school"

Ilan lang yan sa mga bulung bulungan dito sa gym. Pumunta sila sa harap habang kinakabahan.

Really? 9LQ kakabahan? Pero dati nung nag research kami tungkol sa 9LQ sabi dun, walang kinatatakutan ang 9LQ.

How come?

"Kami ang 9LQ! W-Wag niyong galawin ang ibang studyante." sabi ni Klea.

"Wag ka magbiro! Hindi kayo yun! Ni wala nga kayong tattoo sa braso eh. Ipakita niyo muna!" Sabi nito.

Hindi sila gumalaw at yumuko. Totoo ba to? Hindi sila ang 9LQ?

"Itaas niyo ang sleeves ng damit nila." utos ng Leader ata sa kasama niya.

Agad naman itong sumunod at itinaas ang sleeves ng damit nila Jyle pero pagkataas nila nun, walang kahit anong tattoo.

Ngayon ko lang nalaman na may tattoo pala ang 9LQ sa braso. Nung nag research kasi kami tungkol sa kanila, wala namang nakalagay na may tattoo sila sa braso kaya mabilis kaming napaniwala na sila nga ang 9LQ.

"Boss, wala ang tattoo na sila ang 9LQ." sabi naman nung nagtaas ng sleeves nila Jyle.

"9LQ MAGPAKITA KAYO!" Sigaw nito na umalingawngaw sa buong gym.

"Tsk, we're here idiot" napatingin kami sa pamilyar na boses na yun.

Galing ang boses na yun kay, Shanelle.

"Kayo nga ba talaga ang 9LQ?" Tanong nung leader nila.

"You want evidence? Then watch." humakbang papalapit si Chrystal sa mga lalaking nagtaas nung sleeves nila Jyle.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now