Chapter 52

31.7K 718 52
                                    

Alexandria's POV

Naiinis ako! Bakit? Kasi, sa ginagawa ng Ana na yun ngayon, napapalitan na si Ziana sa mata ng mga kaibigan ko.

Pati nga kela Zavier close siya eh.

One time rin, lagi na lang siya ang bukang bibig ng mga kaibigan ko at di na inisip pa si Ziana.

Iniisip kasi nila na si Ana ay si Ziana, dahil sa pagkakahawig ng dalawa at pagkakapareho ng surname.

May time rin naman na naaalala ko si Ziana dahil sa mga kilos niya.

"Uyy, mall daw tayo sabi ni Ana. Libre niya daw lahat." sabi naman ni Steph.

"Kayo na lang. I'm not in the mood." sabi ko.

"Ano ba yan? Wag kang KJ Alex, minsan na lang to. Sige na, nang di mo muna maalala kahit saglit si Ziana para di ka laging malungkot." sabi pa ni Charlene.

Nag iinit talaga ang ulo ko. So ganun ganon na lang? Pagkatapos isugal ni Ziana ang buhay niya para maligtas kami, kakalimutan na nila siya ng ganun lang?

"I said I don't want to. Pwede ba? Wag niyo akong pilitin na maging masaya at kalimutan si Ziana dahil kahit kelan, di ko makakalimutan ang Bestfriend ko!" Inis na sabi ko.

"Ano bang problema? Ginagawa lang naman namin to, para kahit papano, sumaya ka hindi yung nagmumukmok ka! Sa tingin mo ba, magugustuhan ni Ziana ang ginagawa mo sa sarili mo? Lagi kang nagpapalipas ng gutom at kulang sa tulog. Minsan nakikita ka naming umiiyak sa kwarto mo at minsan di ka lumalabas! Alex, nag aalala lang kami sayo." sabi naman ni Charlene. Ayoko talaga.

"Hi Guys-- oh, what happened Alex?" Nag aalalang lumapit sakin si Ana at hinawakan ang braso ko pero tinabig ko yun.

"Sorry but not sorry, only my Friends and Family can touch me. F*ck off, B!tch." i said.

Napaatras naman siya sa inasal ko at lumungkot ang mukha. Sh!t wag ka maawa ngayon dyan Alex. Remember, siya ang dahilan kung bakit napapalitan ng pwesto si Ziana para sa mga kaibigan mo.

"Alex, Ano ba!? Papayag kami na kami ang ganyanin mo dahil sa problema mo, pero ang mandamay ng ibang tao, di na pwede yun!" Inis na sabi ni Abby sakin.

"HINDI NIYO BA ALAM? NANG DAHIL SA KANYA, NAWAWALAN NA NG PUWANG SA PUSO NIYO ANG TOTOONG KAIBIGAN NIYO. ANG TAONG NAGBUWIS NG BUHAY PARA ILIGTAS KAYO! SA TINGIN NIYO, ANONG MARARAMDAMAN NIYA PAG NALAMAN NIYANG MAY PUMALIT NA SA PWESTO NIYA? MALULUNGKOT SIYA!" Sigaw ko.

"OO NAGKAROON NGA KAMI NG BAGONG KAIBIGAN PERO, HINDI IBIG SABIHIN NUN, WALA NA SIYANG PWESTO SA PUSO NAMIN! UTANG NA LOOB NAMIN SA KANYA ANG BUHAY NAMIN KAYA DI NAMIN SIYA MAKAKALIMUTAN! PERO PATAY NA SIYA, ANONG MAGAGAWA NATIN? ANG PAST DAPAT KINAKALIMUTAN NA, HINDI KA MAGIGING MASAYA KUNG KINUKULONG MO ANG SARILI MO SA NANGYARI NIYA! AT TSAKA ANO BANG PROBLEMA KUNG MAGKAROON ULIT TAYO NG BAGONG KAIBIGAN? SA TINGIN KO NGA MAS GUGUSTUHIN YUN NI ZIANA DAHIL NAKIKITA NIYA TAYONG MASAYA." sabi ni Gorcelle.

Pero, No! Hindi ko gagawin yan! Hinding Hindi ko kakalimutan si Ziana.

"Unnies tama na po, tara na Steph unnie kung magmo mall kayo. Para maiwasan na rin ang away." kalmadong sabi ni Chrystal.

"I'll stay with Alex. Wala siyang makakasama rito, mauna na kayo." napatingin ako kay Jashiel. Ngumiti lang siya sakin.

"Tara na Unnies, bibili pa ako ng libro." hinila na ni Chrystal yung iba.

Napaupo na lang ako sa couch.

"Alex, gusto mo lutuan kita? Gusto mo kumain?" Tanong sakin ni Jashiel. Umiling ako sa kanya.

"I'm full." sabi ko.

"I'm full, I'm full ka dyan? Di ka nga kumain kahapon ng maghapon tapos ngayon busog ka pa rin? Alex naman, wag mo naman gawin yan sa sarili mo." nag aalalang sabi ni Jashiel.

"I want to see Ziana." yan na lang ang nasabi ko.

Kahit naman cold yun, namimiss ko pa rin siya. Ang tagal na kaya namin mag kakilala. Saksi ako sa lahat ng nangyari sa kanya.

"Kumain ka na muna Alex. Please nag aalala ako sa kalusugan mo. Don't stress yourself too much." sabi niya.

Hinila niya ako patayo at pinaupo sa upuan dito sa dining room. Agad niyang sinuot ang apron at nag isip ng lulutuin.

"Favorite mo yung adobo, right?" Sabi niya. Tumango na lang ako, ayokong magsalita.

Naalala ko rin, kapag adobo ang ulam, lagi kaming magkasama ni Ziana pag kakain.

Minsan nga nag seselos ako kay Steph kasi, minsan silang dalawa naman ang kumakain ng magkasama nun.

"Matatapos na to Alex, kaya mo pa bang mag intay?" Tanong ni Jashiel.

Tinanguan ko lang ulit siya. Sorry Jashiel, nadamay ka pa ngayon sa kalungkutan ko.

Habang nagluluto siya, kinuha ko ang picture namin ni Ziana sa bulsa ko. Ito yung lagi ko tinitignan simula nung mawala siya.

Nakanguso kasi kami pareho dito, pinilit ko pa nga siyang gawin yun that time eh. 15 years old lang kami dito.

Naiyak nanaman ako. I badly missed her.

"Ziana..." Tanging nasabi ko habang patuloy na umaagos ang luha ko.

"Sh!t, Alex, Tahan na please. Andito lang kami para sayo di ka namin iiwan." sabi ni Jashiel na biglang lumapit sa kinaroroonan ko at niyakap ako.

"Hindi nga ba?" Matamlay kong tanong sa kanya.

"Wag ka mag alala, kahit na wala sila, nandito pa rin ako. Di kita iiwan. Please, tama na, nasasaktan din ako para sayo." sabi niya.

Sa aming lahat, si Jashiel ang makakapitan mo talaga dahil hindi ka niya iiwan kahit anong mangyari.

"Thank you, Jashiel." pasasalamat ko sa kanya.

[A/N: Aww, my YoonSic heartuee]

"Wala yun. Oh teka, yung niluluto ko." sabi niya at kumalas sa yakap at pinuntahan ang niluto niya.

"Sabayan mo ako kumain." sabi ko.

"Hindi kita tatanggihan basta't pagkain ang usapan." she said.

"Baliw." sagot ko.

"Wag ka mag alala Alex, ako muna ang magiging Ziana mo ngayon para kahit papano, mabawasan yang lungkot mo. Gagawin natin ang ginagawa niyo ni Ziana." sabi niya at for the first time after Ziana died, ngumiti ako ulit dahil sa kanya.

"Okay."



---

Someone's POV

"Nandito na ang Black Organization" sabi ng tauhan ko.

Sinenyasan ko siyang papasukin ito.

"So, tinatanggap niyo ba ang offer ko?" Agaran kong tanong pagkapasok nila.

Sila ang Black Organization. Ang matinding kaaway ng Sone Organization.

"Sino ba naman ang hindi? Syempre, payag kaming patayin si Ana Smith." napangisi na lamang ako.

Humanda ka Ana Smith, mamatay ka rin.

----------CHAPTER52END----------

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now