Love Affair no. 4

125K 1.9K 36
                                    

"No Ma! Hindi ako papayag."

"Son pwede ba? Stop acting like a child. Ilang weeks lang naman akong mawawala eh. Dadalawin ko lang ang Ama mo sa Laguna. Mamimiss mo ba ko baby?" Humalakhak si Mam. Nakita ko naman ang hindi maipintang mukha ni Sir. Umagang-umaga pero halata mo na agad na badtrip ito. Inilapag ko sa Mesa ang kape na pinapatimpla ni Ma'am sa akin. Hindi sinasadyang mapatingin ako sa kinaroroonan ni Sir. Kung nakakunot ang noo nito kanina mas kumunot pa ito nang nakita nya ako.

"Hanggan kelan ka ba don Ma?" Baling ni Sir kay Ma'am Rose.

"Hmm. Siguro 2 to 3 weeks." Sagot ni Ma'am at sumimsim ng maiinit na kape. Nagpaalam na din si Ma'am samin kahapon lang. Kagabi naman ay tinulungan namin syang mag empake. Susundan daw nya si Sir sa Laguna dahil mag iilang buwan na daw itong hindi nakakauwi. May inaasikaso kasi si Sir doon. Sobrang busy daw nito kaya tutulungan na daw ito ni Mam. Nahihirapan daw kasi si Sir doon dahil mag isa lang sya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nag kukwento si Mam sa amin. Napaka lambing nilang mag asawa. Ako kaya? Makakatagpo pa kaya ng ganun? Napatawa ako sa aking iniisip. Malabong mangyari yun.  Malabong-malabo.

"Pano yung Resto?" tanong ni Sir. Hindi ko makita ang reaksyon nito dahil nakatalikod sya sa akin.  Nakatayo lang kami ditong tatlo nina Venus at Jupiter sa gilid para kung sakaling kailanganin nila kami.

"Ano pa nga ba? Edi si Celine na muna ang bahala don. Bakit? May balak ka bang magpatakbo ng Resto?" Si Celine ay kaibigang matalik ni Mam. Pumupunta ito minsan sa Mansyon kaya kilala ko ito. May ari ng Restaurant ang mga Emralino. Ayon ang pinag kakakitaan nila. Ang pagkakaalam ko nagsimula sila sa maliit ng Karindirya hanggang sa lumago ito ng lumago. Mahirap lang sila noon bago sila ikasal. Hindi naman sobrang hirap pero sapat ng nakakakain tatlong beses sa isang araw.

Ngayon ay madami ng branches ito. Meron na ito sa buong Maynila. Kaya nga pala nasa Laguna si Sir ay dahil may balak silang magtayo na din ng resto dito. Masasarap ang pagkain doon kaya hindi na ko nagtataka kung bakit ito tinatangkilik ng mga tao. Dagdagan pa ng sikap at tyaga nina Ma'am kaya ito lumago ng lumago.

"No way!" Nabalik ako sa aking huwisyo nang marinig ko ang boses ni Sir. Ibinaba nito ang hawak nyang kutsara’t tinidor at sumandal sa kanyang kinauupuan.

"Ano pa nga ba?" Bumuntong hininga si Mam. "Kelan mo ba balak mag trabaho Anak? Masasayang lang yang pinag aralan mo. Mag lilimang taon ka ng graduate pero hindi ka man lang naghahanap ng trabaho. ’Di ba sabi naman ng Ama mo pag nahihirapan kang mag hanap ng trabaho pwedeng-pwede ka naman sa Resto. Ayaw mo ba don? Ikaw ang boss don. Hindi habang buhay may pera tayo. Pano na lang kung mamatay na kami. Paano ka na?"Nakita kong nangingilid na ang luha ni Mam. Hindi sumagot si Sir. Siguro ay natauhan sa sinabi ni Mam. Ayan ang isa sa kinaiinisan ko sa kanya. Palibhasa nag iisang anak kaya sunod sa luho. Ako nga ay gagawin ang lahat mapagtapos lang ng pag aaral ang mga kapatid ko samantalang sya ay isinasawalang bahala lang ito.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon