Love Affair no. 42

97.6K 1.5K 190
                                    

Nagsimula ng bumuhos ang luha ko. Wala akong ideya kung anong nangyari sa kanya. Ang pagkakaalam ko naman ay wala syang sakit! Oo nilagnat sya pero alam kong simpleng lagnat lang 'yon! Kani-kanina lang ay kasama ko sya tapos ngayon naman ay sasabihin na patay na sya?!

Hindi na ako makapag isip ng maayos. Basta na lang ako lumabas ng condo. Hindi ko na nga naalalang tawagan si Tita Rose para tanungin kung anong nangyari. Lutang na lutang ang isip ko habang nakasakay sa elavator. Hindi ko na alintana ang pagpatak ng luha ko. Wala na akong pakealam sa kung anong itsura ko.

Pagkabukas ko ng elavator ay agad akong tumakbo papalabas, batid ko na pinagtitinginan ako pero wala akong pakealam. Pagkalabas ko ay may humigit sa akin. "Ma'am, hatid ko na po kayo." Hindi ko sya nakilala dahil sa nanlalabo na ang paningin ko pero ng nagsalita ito ay agad ko itong nabosesan.

"Ano pong nangyari, Mang Kaloy?" Tanong ko habang umiiyak. Imbes na sagutin ako ay inalalayan lang nya ako na maglakad papunta sa sasakyan.

Habang nasa byahe ay panay ang pahid ng luha ko. Nakatingin lang ako sa labas at minsan ay bigla na lang akong mapapahagulhol. Sinusubukan kong pumikit pero ang masayang mukha ni Jake ang nakikita ko.

Muli akong humagulhol ng maalala ang nangyari kanina. Sa sobrang selos ko ay hindi ko ito pinansin at basta na lang sya iniwan. Agad nagflashback sa isipan ko ang mga nangyari sa amin ni Jake. Ang pananakit nya sa akin dati, ang pag amin nyang mahal nya din ako at ang pagmamakaawa nya na mahalin ko ulit sya.

Hindi ko namalayan na nakatigil na pala kami sa tapat ng Mansyon nina Jake. Nanghihinang bumaba ako sa sasakyan. Sobrang liwanag ng buong mansyon. Humakbang ako papasok sa loob. Bawat paghakbang ko ay mas bumibigat ang pakiramdam sa dibdib ko. Parang may kung anong pumipigil sa aking huminga.

Nakita ko si Tita Rose na nakaupo sa may sala. "Nasa kwarto sya." Nakayukong sabi nya sa akin.

Gusto ko syang yakapin para icomfort sya pero mas lamang ang kagustuhan kong makita si Jake. Hindi na lang ako nagsalita at tumakbo na lang ako paitaas.

Nang makatapat na ako sa kwarto ay pigil hininga akong pumasok sa loob. Napaluha na naman ako ng makita ko na ang katawan ni Jake.  Nakahiga ito sa may Kama at nakabalot na ng puting kumot ang kanyang buong katawan.

Humakbang ako papalapit kay Jake, bawat paghakbang ko ay pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere. Nihindi ko maramdaman ang sarili ko.

Naupo ako sa kama at nangangatal ang kamay na inalis ang kumot na tumataklob sa kanyang mukha.

Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat, pero hindi eh. Totoo ang mga nangyayari.

Hinaplos ko ang mukha nito. Nangatal ang daliri ko ng dumikit ang mga ito sa balat nya. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa boses ko kung hindi ang paghagulhol.

Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi yakapin na lang sya ng sobrang higpit. Gusto kong itanong sa Diyos kung bakit sya pa? Sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit sya pa?

Pinisil pisil ko ang kamay nito na para bang magigising sya sa ginawa ko. Basang basa na ng bedsheet at ng dahil iyon sa luha ko. "Jake naman, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kelan narealize kong mahal pa din kita?" Para akong baliw na kinakausap na ang isang patay. Nakatitig lang ako sa kanya, kinakabisado ang bawat parte ng mukha nya. Ito na ang huling beses na makikita ko sya. Ito na ang huling beses na mahahawakan ko sya ng ganito.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now