Love Affair no.12

105K 1.6K 51
                                    

Nangangatal ang kamay ng babae habang dahan dahang lumalapit sa kanya si Sir Jake.

"S-sorry. H-hindi ko si-sinasadya. Nabigla lang ako." Bakas na bakas sa tono ng babae ang takot nito.

Kung kanina ay para itong tigre ngayon naman ay para itong pusa na takot na takot sa kanyang amo.

Itinaas ni Sir ang kamay nya at marahang hinaplos ang buhok ng babae. Napakunot ang noo ko. Ganun na lang yon? Akala ko pa naman ay ipaghihiganti ako ni Sir!

Nakita ko naman ang pagkabigla ng babae sa ginawa ni Sir. Napangiti ito at tinignan ako na para bang nangungutya. Edi sila na! Magsama sila. Isang malandi at isang maharot! Bwisit.

Bababa na sana ako sa kinauupuan ko at iiwanan ko na ang dalawang to ng mapatigil ako dahil nakita kong unti-unting nanlaki ang mata ng babae.

"T-teka, Jake. N-nasasaktan ako." Pinipilit alisin ng babae ang pagkakahawak ni Sir sa braso nya. Tumingin sa akin ang babae na para bang naghihingi ng tulong.

"A-aray! Ano ba?!" Pilit tinatapangan ng babae ang boses ngunit mababakas pa din ang takot dito.

Saglit na napatingin sa akin si Sir ag agad ding lumambot ang ekspresyon ang mukha nito ng makita ako.

"Okay ka lang ba dyan?" Mahinahong tanong nya. Naging maamo ang ekspresyon ng mukha nya. Wala sa sariling napatango ako.

Ngumiti muna agad to sa akin bago muling ibaling ang atensyon sa babae. Kahit gilid lang ng mukha nito ang kita ko, nakita ko pa din kung paano muling bumalik sa madilim na ekspresyon ang mukha nya.

"Dont't you ever lay your flirty hands on her! Understand?!" Marahas na itinulak ni Sir ang babae kaya napasalampak ito sa sahig. Nakaramdam ako ng awa. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

"Answer me!" Rinig na rinig sa buong cr ang boses ni Sir.

"Y-yes." Nangangatal na ang boses nito. Umiiyak na ito ngayon.

Hindi pa man nakakabangon ang babae ay marahas na hinila ba ito ni Sir patayo. Nagulat ako ng makita kong pinipilit ni Sir ipasok ang babae sa isa sa mga cubicle. Agad akong napatayo ng maisip ang posibleng gawin ni Sir sa kanya. Pilit na nagpupumiglas ang babae habang patuloy pa din sa pag iyak.

Halos manlaki ni Sir ng makita kong sinubsob nya ang mukha ng babae sa Bowl. Nakahawak ang isang kamay nya sa ulo samantalang ang isa naman ay nakahawak sa dalawang kamay ng babae para hindi makapagpumiglas.

Napatigil ako sa tangkang paglapit ko sa kanila. Hindi ko akalain na pati yun ay gagawin ni Sir. Napako ako sa kinatatayuan ko.

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang malakas na paghampas ng pinto. Nakita ko ang mga barkada ni Sir na nagsilapitan sa kanila upang patigilin ang ginagawa ni Sir.

Tumulong na din ako sa pag awat sa mga ito. Pilit kong inilalayo ang braso ni Sir sa pagkakahawak sa babae.

"What the hell! Ano bang ginagawa mo Jake?!" Sigaw ng isa nyang barkada habang dinadaluhan ang babae. Basang basa ang mukha nito ngayon at hindi mapatigil sa pag iyak. Naguilty ako bigla. Dapat ay umpisa pa lang ay inawat ko na sila.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now