Love Affair no. 6

128K 1.9K 81
                                    

"Anong nangyari sayo?!" Agad na hinawakan ni Aling Doray ang mga pasa ko sa braso. Halos mapangiwi ako ng hawakan nya ito.

"Walang po ito. Nadapa lang po ako. " Pagsisinungaling ko. Hiling ko lang na sana ay paniwalaan ako ng matanda.

"Nadapa? Eh halos buong katawan mo may pasa pati na iyang mukha mo may sugat din tapos nadapa lang?"

"Totoo po. Nahulog din po kasi ako sa kanal kaya napadami ang pasa ko." Hindi ako makatingin kay Nanay Doray dahil sa oras na gawin ko yun, baka malaman nyang nagsisinungaling ako.

"Nasaan po ang kambal? Nakapagluto na po ba? Magluluto na po ako." Iniba ko na lang ang usapan para hindi na makapagtanong pa si Aling Doray.

"Nasa bayan ang kambal. Pinabibili ko ng karne at gulay." Aniya "Eto na ang pagkain ni Sir. Dalhin mo na lang ito sa kanya tapos ay magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito." Ibinigay nya sakin ang plato. Kahit labag sa loob ko ay kinuha ko ito. Hindi pa ko handang harapin si Sir pero kailangan kong gawin to. Wala ako karapatang mag inarte.

Huminga ako ng malalim bago ako lumapit kay Sir. Nakaupo na sya ngayon at inisa isa ko ng ilagay ang mga plato sa ibabaw ng lamesa. Ramdam kong nakatingin sya sakin. Hindi ko man lang ito pinasadahan ng tingin. Hindi ko din ito pinapansin. Bahala sya sa buhay nya.

Paalis na sana ako ngunit napatigil ako ng hinawakan nya ang kamay ko. Marahas kong binawi iyon.

"Bakit po, Sir?" May diin ang bawat salita ko. Kung hindi sya manhid ay mahahalata nyang galit ako sa kanya. Nakipagtitigan ako sa kanya. Kung dati ay hindi ko kaya yon, ngayon kayang kaya ko na. Wala na kong pakealam kung saktan nya ulit ako. Ayon lang naman ang kaya nyang gawin, Ang saktan ako.

Nang mapansin kong wala syang balak magsalita ay umalis na ko sa harapan nya. Dumiretso na ako sa aking kwarto at nahiga. Tutulog na lang muna ako.

Habang nakahiga ako hindi ko maiwasang isipin ang demonyo kong amo. Nakakapanibago at hindi nya ko sinigawan ngayon araw. Ito ang kauna unahang beses na nangyari ito. Kung tingnan nya din ako ngayon wala akong makikitang galit. Nakonsesya siguro? Tss. Malabo. Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa maramdaman kong unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

Nagising ako at naramdaman ko agad ang pag aalburuto ng tyan ko. Tumingin ako sa orasan at napabalikwas ako ng makita kong alas dos na ng hapon. Mahigit walong oras pala ako nakatulog. Bumangon na ako at pumunta sa kusina. Kumain muna ako bago ako nag ayos at pumunta na sa mansyon.

Nakita ko agad sina Manang at Kambal na nasa kusina at nag kukwentuhan. Napatigil sila sa pagkukwentuhan ng makita nila ako.Lumapit ako sa kanila at halos mapatawa ako ng inalalayan nila ako sa pag upo.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now