Love Affair no. 27

82.4K 1.4K 76
                                    

"Mariel, Si Tristan. Sya ang may ari nitong coffee shop." Pagpapakilala sakin ni Caesar sa lalaking kaharap ko.

"Tristan, Si Mariel. Sya yung kinukwento ko sayo." Kinamayan ako nito. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa itsura nya. Para itong modelo sa isang magazine. Litaw na litaw ang kagwapuhan nya lalo na kapag ngumingiti.

"Hi. Nice to meet you. Pasensya na. Hindi gaanong malaki 'tong coffee shop ko. Hindi kasi ako kasing yaman ni Caesar." Nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni Tristan. Inilibot ko ang paningin ko. Hindi nga gaanong kalaki itong lugar pero hindi din naman gaano kaliit. Mga nasa walong table ang naririto ngayon at tatlo kaming tauhan dito. Pinakilala na sa akin ni Caesar kanina ang dalawa ko pang makakasama.

"Oh, Paano? Iwan ko na muna kayo. May trabaho pa ko." Tinapik na Cesar ang balikat ko. "Bro, Wag mo masyadong papagurin si Mariel. Patay ka sa boyfriend nyan." Pananakot ni Caesar kay Tristan. Inirapan ko lang ito. Aalis na nga't lahat, nakuha pang mang asar. Kung hindi lang talaga malaki ang utang na loob ko dito matagal ko na 'tong nabatukan.

Iiling-iling na lang ako habang tinitingnan si Caesar maglakad papalabas ng coffee shop. Nahiya tuloy ako bigla. Sya kasi ang nagpumilit na ihatid ako sa unang araw ko sa trabaho. Nagmamadali tuloy sya ngayon.

Sa Cashier ako inilagay ni Tristan. Akala ko ay nadaan lang sya dito para icheck kami tapos ay aalis na din pagkatapos pero hindi pala. Isa din sya sa mga nag gagawa ng order at tumutulong din sya paglilinis. Maghapon din syang naandito. Hindi man lang sya umalis kahit saglit man lang.

Naging madali naman ang trabaho ko. Walang masyadong ginawa kaya hindi ako nakaramdam ng pagod. Pag wala masyadong customer ay nag wawalis walis ako.

Kapansin pansin na sa tuwing may mga babaeng customer ay panay ang tingin nila kay Tristan. Kulang na lang ay mabali ang leeg ng mga ito masubaybayan lang ang ginagawa ni Tristan.

Pasado Alas Siete nagsasara ang coffee shop. Sinabi ni Jake na susunduin nya ako. Nung una ay hindi ako pumayag ngunit umandar na naman ang pagkaseloso ng isang 'yon. Kinumpara na naman ang sarili kay Caesar. Bakit daw si Ceasar ay pinayagan kong ihatid ako samantalang sya ay pinagbabawalan  kong sunduin ako. Napaka isip bata talaga. Kaya sa huli ay pinayagan ko na at baka magligalig  na naman.

"Sir. Alis na po ako." Paalam ko kay Tristan. Nag angat ito ng tingin sa akin.

"Sige. Ingat ka." Sagot nito at ibinalik na ulit ang atensyon sa laptop. Mukhang sobrang busy nito sa ginagawa. Bago ako tuluyang umalis ay nag paalam muna ako sa dalawa ko pang kasamahan.

Paglabas ko ng coffee shop ay agad kong nakita ang sasakyan ni Jake na nakaparada sa harapan nito. Naka sandal sya sa sasakyan habang nakapamulsa. Ngingiti-ngiti akong lumapit dito.

"Ang sayo mo ha?" Wika nito at tinaasan pa ako ng kilay. Napasimangot naman ako bigla. Bawal na bang ngumiti?!

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang