Love Affair no. 14

96.9K 1.6K 88
                                    

"Sinong pwedeng mamalengke ngayon?" Tanong ni Manang Doray sa kambal. Ako ay nakapangalumbaba lang sa lamesa at tinitingnan ang mga ginagawa nila. Bakit kasi pinagbawalan pa ko ni Sir Jake tumulong sa mga gawaing bahay. Bagot na bagot tuloy ako ngayon.

"Ikaw na lang Manang. Busy kami." Ani Jupiter at itinuloy ang paghuhugas ng pinggan.

"Talagang ikaw bata ka! Hindi ako pwede nirarayuma ako ngayon." Ani Manang Doray habang nakaupo at hinihilot ang binti nya.

"Hindi din ako pwede. Nagwawalis ako ng sahig pagkatapos nito pupunasan ko pa pagkatapos naman nito maglalaba ako tapos--" Pinutol ko na ang sasabihin ni Venus.

"Ako na lang po ang mamalengke. Wala naman po akong ginagawa." Tiningnan ako ng masama ng tatlo.

"Gusto mo bang malintikan tayo ni Sir Jake." Ani Manang Doray "Bilisan nyong dalawa dyan. Pagkatapos ay kayong dalawa na ang mamalengke." Sumimangot ang dalawa dahil sa sinabi ni Manang Doray. Naawa tuloy ako sa kanila. Ang dami na nga nilang gagawin tapos ay mamamalengke pa sila pagkatapos.

"Manang naman. Hindi naman magagalit si Sir Jake e. Tsaka hindi naman nya malalaman kung hindi natin sasabihin. Mabilis lang naman yun. Uuwi ako ng maaga, Promise." Pamimilit ko kay Manang. Mabuti na lang at wala si Sir Jake ngayon. Birthday daw ng kaibigan nya. Siguradong gabi na ang uwi noon dahil mag iinuman pa ang mga ito. Hindi naman ako gagabihin sa pamimili, mabilis lang naman yun kaya siguradong mauunahan ko ito sa pag uwi.

Matapos ang mahabang pamimilit sa tatlo ay sa wakas ay napapayag ko na ito. Basta siguraduhin ko lang daw na umuwi agad ako pagkatapos.

Ngiting-ngiti ako habang naglalakad. Ngayon na lang ulit ako nakalabas ng bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Nakatigil ako sa pedestrian line at iniintay na mag red light. Kinuha ko ang listahan ng mga bibilhin ko. Inisa isa ko itong binasa. Ano kayang unang bibilhin ko? Naramdaman  kong nagsimula ng maglakad ang mga tao sa tabi ko kaya sumabay na din ako sa paglalakad habang ang mga mata ko ay nakatutok lamang sa papel. Iniisip ko kung saan ba mas magandang bumili ng karne. Yung iba kasi ay halatang luma na.

Sa kaiisip ay hindi ko namalayan ang papalapit na kotse sa gawi ko. Huli na para makaiwas pa ako. Sobrang bilis ng pangyayari. Nabundol ako nito dahilan para mapasalampak ako sa sahig. Mabuti na lang at mabilis nyang nakabig ang preno kaya hindi ako gaanong napuruhan. Napaupo ako sa kalsada. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit ng balakang ko. Hinilot ko ito para mabawasan ang sakit. Rinig na rinig ko ang pagsigaw ng mga tao. Agad na mga nagsilapitan ito para tulungan ako.

Nakita kong lumabas ang driver at agad akong nilapitan nito. Tinulungan naman ako ng mga tao para makatayo. Ang iba naman ay nakikiusyoso lang sa gilid ko. Sa isang gilid ko naman ay nakita ko ang grupo ng mga estudyante na pinipicturan ako. Inirapan ko ang mga ito. Imbes na tulungan ako ay pagpipicture ang inaatupag. Tapos ipopost sa FB na may caption na awang awa sila sa akin. Lalagyan pa ng 1like=1prayer. Bwisit!

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now