Love Affair no. 17

97.3K 1.5K 56
                                    

"A.YO.KO." Mariing wika ni Sir Jake. Hindi nito ako tiningnan at ibinuhos ang atensyon sa pagbabasa ng dyaryo na hawak nya.

"Please? Hindi ka ba natatakot? Baka magalit si Ma'am Rose pag nalaman nila yung tungkol sa atin." Pamimilit ko dito. Naisip ko kasing mas mabuting wag munang sabihin kina Ma'am Rose ang tungkol sa amin ni Sir Jake. At magpanggap din na wala kaming relasyon sa harap ng mga magulang nya. Hindi pa din kasi ako handang sabihin sa mga ito. Natatakot pa ko.

"Bakit naman ako matatakot? Tsaka bakit naman sila magagalit? Hindi naman kami mapangmata tulad ng iniisip mo." Natigilan ako saglit sa sinabi nya. Sinundot ako ng konsensya. Hindi naman sa ganon, natatakot lang naman ako kung anong magiging reaksyon nila pag nalaman nila ang tungkol sa amin. Bali-baligtarin man kasi ang mundo, hindi ako babagay para kay Sir. Natatakot ako sa iisipin nila sa akin. At isa pa, Nahihiya ako. Pakiramdam ko ay sinira ko ang tiwala nila.

"Sasabihin naman natin sa kanila. Wag lang muna ngayon. Baka mabigla lang sila. Dadahan-dahanin lang natin." Ipinagdikit ko pa ang dalawang palad ko para mas maawa ito sa akin.

"NO." Bumuntong hininga ako. Kahit anong pamimilit ko dito ay ayaw nitong pumayag. Tumayo ako at pumwesto sa likod nya. Minasahe ko ang balikat nito.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit si Venus sa direksyon namin upang dalhan kami ng pagkain ngunit isinawalang bahala ko ito. Nasa kay Sir Jake lang ang buong atensyon ko.

"Please, Babe?" Binigyan ko ito ng mabilis na halik sa pisngi at yinakap ko din ito mula sa likuran. Napansin kong napatigil sandali si Venus sa ginagawa nyang paglapag ng mga pagkain sa mesa. Nakita kong bumigat ang bawat paghinga ni Sir Jake. Ibinaba nito ang dyaryo na kanina pa nyang binabasa.

"Aish! Fine!" Agad akong humiwalay sa pagkakayakap kay Sir at bumalik sa pagkakaupo sa tabi nya. Kung wala lang makakakita sa akin ngayon ay baka nagtatalon na ko sa tuwa. Ang laki ng ngiti ko sa labi habang sya naman ay nakakunot lang ang noo.

"But in one condition." Wika nito at hinila ako papalapit sa kanya.

"Ano?" Kunot noong tanong ko dito.

"Date tayo." Nakangiting wika nito. Tumango lang ako. Lihim akong napangiti. Date? Ito ang kauna unahang date na mangyayari sa buong buhay ko. Pakiramdam ko ay ang landi ko dahil iniisip ko pa lang ang mga maaaring mangyari ay kinikilig na agad ako. Kainis.

***
"So babe, Anong gusto mo?" Tanong nito habang nakatingin sa menu. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa kamay ko. Simula ng pumasok kami sa mall ay hinawakan na nya ito. Wala ata akong balak bitawan.

"Kahit ano na lang." Sagot ko. Hindi naman kasi ako sanay kumain sa mga ganitong mamahaling restaurant tsaka hindi ko mainitindihan ang mga nakasulat.

Tumango lang si Sir at sinabi ang order namin sa waiter. Pagkaalis ng waiter ay tahimik lang naming inintay ang order namin.

"Jake Is that you?! Oh my god! Ikaw nga!" Parehas kaming nagulat ng may magsalita sa harap namin. Sinamaan lang ito ng tingin ni Jake.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now