Love Affair no. 40

83.9K 1.4K 132
                                    

"Mariel, bangon ka na dyan. Ilang araw ka ng 'di pumapasok. Nag aalala na ko sayo." Tamad na sumandal ako sa headboard ng kama. Tiningnan ko ang kinaroroonan ni Caesar. Nakasilip ito sa may pintuan at seryosong nakatingin sa akin.

Sinenyasan ko ito na lumapit sa akin at agad din naman nyang ginawa. Naupo ito sa gilid ng kama. "Tinatamad akong pumasok. Dito na lang ako sa bahay." Sabi ko at naghikab.

"Hindi pwede, mag iisang linggo ka ng nagkukulong dito? Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni Caesar. Agad din naman akong umiling.

"Ano ba kasing nangyayari? Yung totoo?" Seryosong tanong nito.

"Wala nga. Tinatamad lang talaga akong pumasok." Pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi ko lang talaga kayang harapin si Jake sa isip isip ko.

"Mariel, alam ko pag nagsisinungaling ka. Namumula yang tenga mo. Yung totoo?" Pinipilit nitong hulihin ang mga mata ko.

Nag iwas ako ng tingin.

"Nagkausap kami ni Jake." Nakataas ang isang kilay nito habang hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Tungkol dun sa naging relasyon namin dati." Dagdag ko.

Ngumiti ito sa akin at ginulo ang magulo kong buhok. "Edi okay. Atleast, nagkaroon na kayo ng closure." Mariin akong napapikit matapos marinig ang sinabi nya. Hindi closure ang nangyari Caesar, patawad.

Napansin kong parang natigilan ito sa naging reaksyon ko. "May bumalik ba?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

Hindi ako makaimik. Hindi ako handa. Hindi.. Hindi ko alam."

"Sana pala naging mahigpit ako pagdating kay Jake 'no? Kung alam ko lang.. Sana iniwan na lang kita sa Davao." May halong pait ang boses nito.

"Caesar, sorry. Wag ka ng magalit." Sabi ko at niyakap sya ng mahigpit. Kahit sa ganitong paraan man lang. Gusto kong mabawasan ang sama ng loob na nararamdaman nya.

"Sorry.. Sorry.. Sorry." Paulit ulit kong sabi sa kanya.

"I'm not mad.. I can't.. I'm just hurt." Nahihirapang sabi nya.

"Caesar naman." Kinuha ko ang kamay nito at pinisil.

"Five minutes lang Mariel. Aalis muna ako. Pagbalik ko okay na ulit tayo." Sabi nya at nginitian ako ng pilit. Inalis nito ang pagkakahawak ko sa kanya. Nanghihinang tumayo ito at naglakad papalabas ng kwarto ko. Hindi ko makayanan na nakikita syang nasasaktan kaya mas minabuti kong wag syang tingnan. Hindi ko inaakala na aabot kami sa ganitong sitwasyon.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon