Love Affair no. 19

88.7K 1.5K 98
                                    

"Hiwalayan mo ang anak ko." Ito agad ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkasok ko sa veranda. Nakita ko si Ma'am Rose na seryosong nakatingin sa akin ngayon.

"Hiwalayan mo sya." Ulit nito. Hindi ako makapag salita. Nawala ata ang dila ko at hindi ko alam kung saan ito napadpad. Nakatingin ito sa akin ngayon. Tingin na naghahamon.

"M-ma'am." Tawag ko dito. Pakiramdam ko ngayon ay hapong-hapo ako kahit wala naman akong ginagawa.

"Kelan pa?" May hinanakit sa boses nito. Nag iwas ako ng tingin ng makita ko ang mukha nito.

Masama ang loob nito sa akin. Kung papalayasin man ako nito ay tatanggapin ko ito ng buong puso. Sinira ko ang tiwala nila.

"Tatanungin kita, Mariel. Gusto ko sagutin mo ko ng diretso. May gusto ka ba sa anak ko?" May diin sa bawat pananalita nito. Kinikilabutan ako dahil ito ang kauna unahang beses na kausapin nya ako sa ganitong tono.

"O-opo." Sagot ko. Nag iinit na gilid ng mata ko at anumang oras ay lalabas na ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

"Mahal mo ba sya?" Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi nya. Mas mahinahon na ang boses nito kumpara kanina.

Mahal ko nga ba sya?

"Hindi po. Hindi ko po alam." Kumunot ang noo nya dahil sa sagot ko.

"Oo o Hindi lang Mariel!" Napapitlag ako ng sinigawan ako nito. Bumalik ulit ang takot na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Mahal ko nga ba sya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko gusto ko sya. Gusto ko pa lang sya.

Ano bang pinagkaiba ng gusto at mahal? Sht. Natataranta na ko dito.

"ANO?!"

"Hindi po! Hindi pa po!" Pasigaw kong sagot dahil sa takot ko kay Ma'am Rose. Para kasi itong higante na kakainin ako ng anumang oras. Hindi ito ang Ma'am Rose na sobrang bait kung ituring ako dati.

Sabagay, Matapos kong sirain ang tiwala nya. Asa pa naman akong bumalik ang dating pagtrato nya sa akin.

"Hiwalayan mo ang anak ko. Hindi ka nababagay sa kanya. Huwag na huwag ka na din magpapakita sa kanya kahit kailan." Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig ko. Hindi ko namalayang nag uumpisa na palang tumulo ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan.

Hindi ko alam kung anong mas masakit.

Ang mawalan ako ng trabaho o ang huwag ng makipag kita kay Sir Jake kahit kailan.

Iniisip ko pa lang na hindi na kami magkikita ay naninikip na ang dibdib ko.

Parang sinabi na din ni Ma'am Rose sa akin na huwag na akong huminga.

Ngayon ay napa isip ulit ako.

Mahal ko na nga ba talaga sya?

"Ma'am." May pagsusumamo sa boses ko. "Mahal ko po ang anak nyo. Mahal ko si Jake." Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang humagulhol basta ang alam ko ay nasasaktan ako at hindi ko kakayaning mabuhay kung wala si Jake sa tabi ko.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now