EPILOGUE

152K 2.5K 435
                                    

After 9 months

Kasalukuyan kong hinahaplos ang tiyan ko ng maramdaman kong humilab ito. Napangiwi ako, ngayon ang kabuwanan ko kaya halatang-halata na ang kalakihan ng tiyan ko. Nahihirapan na akong kumilos dahil sa bigat nito. Naiiyak ako pag tumitingin ako sa salamin. Ang taba taba ko na, feeling ko tuloy ngayon ay sobrang pangit ko. Pag nag uumpisa na akong umiyak ay agad akong aaluhin ng asawa ko. Sobrang swerte ko dahil napaka maunawain nya. Minsan ay inaaway ko sya ng walang dahilan. Ewan ko ba, basta feel ko lang na awayin sya.

Naaawa na nga ako sa kanya dahil ramdam kong nahihirapan na sya sa akin pero ang ikinatutuwa ko naman ay kahit nikatiting ay wala akong reklamong natanggap sa kanya.

Nagsearch ako sa internet at nakita kong ganito daw talaga pag buntis, nagiging moody at madalas ay emosyonal.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya dahan-dahan akong tumayo para kumuha ng tubig pero nabigo ako. Sinubukan ko ulit tumayo pero hindi ko talaga kaya dahil sa sobrang bigat ng katawan ko.

"Caesar!" Sigaw ko, agad naman itong lumabas galing sa isang silid.

Nilapitan ako nito at marahang hinaplos ang braso ko. "Bakit? May masakit ba?" Nag aalalang tanong nya.

Umiling ako. "Gusto kong tubig. Nauuhaw ako." Sabi ko.

Agad din naman ako nitong kumuha ng tubig at ibinigay sa akin. Pagkainom ko ay nilagyan muna ako nito ng unan sa likod para mas maging komportable ako tapos ay bumalik na ulit sya sa kwartong pinasukan nya kanina.

Wala akong magawa kaya naisipan ko na lang manood ng TV kaya lang ay malayo ang remote sa akin. Sinubukan kong abutin ito gamit ang kamay ko pero hindi ko talaga kaya.

Kaya sa huli ay wala akong nagawa kung hindi tawagin ulit sya.

"Caesar." Wala pang isang minuto ay nakita ko na ito.

"Yes po?" Nakangiting sabi nya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Makikisuyo naman nung remote." Pakiusap ko sa kanya habang tinuturo ang kinaroroonan ng remote. Kinuha niya ito sa ibabaw ng TV at pagkabigay sa akin ay agad ako ditong nagpasalamat.

Kanina pang nakabalik si Caesar sa kwarto  at ngayon naman ay nakakaramdam ako ng gutom. Tumingin ako sa orasan at nakita kong pasado alas dos na ng hapon. Kaya pala ako nagugutom ay hindi pa ako nakakapag meryenda. Tatayo na sana ako ngunit ng maalala kong hindi ko nga pala kaya ay tinawag ko na lang ulit ang pangalan ni Caesar.

Tatlong beses ko ng tinawag ang pangalan nya ngunit nakalipas na ang dalawang minuto ay wala man lang akong natanggap na sagot at wala ding Caesar na nagpakita sa akin.

"Caesar." Ulit ko.

Maya maya pa ay lumabas na ito habang nagkakamot ng ulo. Pilit na ngayon ang pagngiti nito sa akin. Alam kong napipikon na sya dahil ang kulit kulit ko pero ayaw nyang ipahalata. "Ano 'yon?" Tanong nya ng makalapit sa akin. Sinabi ko ang gusto ko at agad din nya itong kinuha.

"May kelangan ka pa ba?" Tanong nya ng maibigay sa akin sa isang jar na cookies. Umiling ako at muling nagpasalamat sa kanya.

Huminga itong malalim at ginulo ang buhok ko bago muling bumalik sa kwarto.

Nasa kalagitnaan ako ng panood ng biglang sumakit ang tyan ko. Akala ko ay humilab lang ulit ito ngunit mas nadagdagan pa ang sakit nito. Napahigpit ang kapit ko sa upuan. Sht! Manganganak na ata ako!

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang