Love Affair no. 35

79.9K 1.6K 158
                                    

"Nakita ko nga pala kanina si Tita Rose kanina." Tumingin ako dito saglit at itinuloy ang pagsasalita "Kasama si Jake."

Nilingon ako nito sandali at ibinalik ang atensyon sa TV. "Nice. Kamusta sila?" Sabi ni Caesar at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.

"Okay lang naman. Hindi kami masyadong nakapag usap ng maayos kasi umalis din agad ako."

"Ganun ba? Okay lang 'yon may next time pa naman." Sagot nito at ngumiti sa akin. Ngiting pacute. Sinamaan ko ito ng tingin at ibinalik na ang atensyon sa TV.

Tumawa ito at nilamas ang mukha ko. Pilit kong tinatampal ang kamay nya para maalis sa akin. Hindi kaya ako makahinga! Inirapan ko ito at binato ng unan. Napaka loko talaga!

Kinabukasan ay maaga akong gumising para ipag luto si Caesar ng agahan. Maya maya pa ay nakita ko na itong naglalakad papalapit sa akin. Nakakunot ang noo nito at magulo ang buhok. Kahit na bagong gising ay hindi pa din maitatago ang kagwapuhan nito. Nakasuot sya ng pajama at puting sando. Nasa Davao pa lang kami ay palaging pajama na ang isinusuot nito bago matulog. Mas komportable daw kasing isuot ito dahil maaliwalas sa katawan.

"Morning." Bati nya sa akin at naghikab. Umupo na ito at agad ko namang nilagyan ng sinangag at hotdog ang plato nya.

Pagkatapos ni Caesar kumain ay naghanda na sya para pumasok sa trabaho. Ako naman ay hinugasan ang pinag kainan namin.

Pagkaalis ni Caesar ay itinuloy ko na ulit ang paglilinis ko ng Condo nya kahit sa tingin ko ay malinis na naman talaga ito. Wala lang talaga akong magawa kaya ginawa kong abala ang sarili ko.

Naisipan ko din na mag sisimula na akong mag apply ng trabaho mamayang tanghali. Nag paalam na ako kay Caesar kanina at mabilis naman ako nitong pinayagan.

Napatigil ako sa paglilinis ng mag ring ang cellphone ko. Napakunot ako ng makita kong hindi nakasave sa cellphone ko ang number ng tumatawag.

+639285674*** calling

"Hello?"

"Iha, si Tita Rose mo 'to. May ginagawa ka ba? Punta ka naman dito sa bahay. Hindi tayo masyadong nakapag usap nung last meeting natin. Please?" Masiglang sabi ng nasa kabilang linya.

"Pasensya na po Tita pero may pupuntahan po a-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita na agad ito.

"Sige okay lang. Naiintindihan ko. Alam ko naman na hindi na kami ang first priority mo. Ibaba ko na 'to. Salamat na lang." Malungot na boses ni Tita at sinamahan pa ng buntong hininga.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now