Love Affair no. 7

126K 1.9K 44
                                    

"Mag ingat ka Iha. Mabuti na din yan para gumaling na agad iyang mga pasa mo at para makapag pahinga ka na din." Niyakap ako ni Manang Doray at niyakap ko din naman ito pabalik. Humingi ako ng tatlong araw na bakasyon kay Manang, agad din naman itong pumayag dahil wala naman sina Ma'am Rose at ang asawa nito kaya wala naman masyadong gagawin sa mansyon.

"Teka, Nagpaalam ka na ba kay Sir Jake?" Umiling ako. Hindi na ko nag abalang mag paalam sa kanya dahil malaki ang posibilidad na pigilan nya ko sa pag alis. Isa pa, Baka magalit sya at saktan na naman ako. Kahit pa nag iba na ang ikinikilos nya nitong mga nakaraang araw may posibilidad na saktan ulit ako nito.

"Ganun ba? Sige, Mag iingat ka." Kinuha ko na ang Bag ko at nagpaalam na din sa kambal. Pagkalabas ko ng mansyon ay nakita ko si Mike na papalapit sa akin. Ngayon ko na lang ulit sya nakita matapos ang insidenteng nangyari sa Garden. Hangga't maaari ay umiiwas ako sa kanya dahil alam kong madami syang itatanong sa akin.

Nang makalapit ito ay ngumiti ako sa kanya ng alanganin. Sya naman ay seryoso lang ang tingin sa akin. Napansin kong nakatitig sya sa mga pasa ko sa braso.

"Sya ba ang may gawa sayo nyan?" Alam kong itatanong nya sa akin iyan ngunit ang tanga ko lang dahil hindi ko napaghandaan kung anong isasagot dyan. Alam kong pag nagsinungaling ako sa kanya ay hindi sya maniniwala.

Tiningnan ko lang ito na para bang nakikiusap. Nakita ko ang awa sa mga mata nya.

"Bakit?" Ayaw kong may malaman pa sya dahil pagnangyari yun alam kong madadamay sya.

"Please Mike. Please." Hindi ko alam kung para saan ang pakikiusap ko sa kanya. Basta ayun na lang ang lumabas sa bibig ko. Gumawa sya ng isang malalim na buntong hininga.

"Ano ba talagang nangyayari? Bakit ganun ka na lang tratuhin ni Sir Jake?" Kita sa mga mata nya na naguguluhan sya.

"Wala. Walang Nangyayari." Sabi ko. Nagpaalam na agad ako sa kanya. May sasabihin pa sya ngunit naglakad na ko papalayo. Ayokong madamay pa sya sa gulong kinasasangkutan ko. Tama ng ako na lang ang nasasaktan.

"Ate!" Agad akong sinalubong ng yakip at halik ng dalawa kong kapatid pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan.

"Bakit hindi mo sinabing uuwi ka ngayon ate? Teka. Bakit ganan ang itsara mo? Bakit ang dami mong pasa?!" Bakas sa boses ni Aldwin ang pag aalala. Nakakunot ang noo ng dalawa kong kapatid habang hinihintay ang isasagot ko.

"Nadapa lang si Ako. Pero ayos na ko." Sabi ko at nginitian sila. Hindi pa din naaalis ang pagkakakunot ng noo nila kaya tinawanan ko na lang ang dalawa.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now