Chapter 1

14K 391 146
                                    

"Hanggang anong oras ka ngayon?" my wife asked.

She placed a plate in front of me.

"Kasi para 'tsaka ko na lang lutuin 'yung sinigang kapag pauwi ka na."

I couldn't help but smile. Three years ago, she didn't even know how to fry an egg. And I wasn't even sure how and when Gianna Renée de Santiago – Yu blossomed into the perfect wife any husband would be proud of.

"Talaga naman si Mrs. Yu. 'Yan ang problema rito, eh, masyado mo akong inaalagaan. Ayaw ko na tuloy umalis sa tabi mo," I teased before rising to my feet to give her a hug.

"Dapat lang, ang swerte mo kaya sa akin," she playfully said.

"Baka late na akong makakauwi, Lalabs. May neophytes kami ngayon sa frat. Alam mo naman, kailangang nand'un ako sa presentation nila."

Narinig kong nagbuntong-hininga s'ya at hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Mrs. Yu, hindi ba may usapan tayo? Kapag may neophytes talaga late akong nakakauwi—"

"At kailan ba kayo walang neophytes? Kinarir n'yo na ang pag-re-recruit, eh. Pagkatapos ng batch n'yo ng neos, may bago na naman. Kailan ka ba hindi late na nakakauwi? Kailan? Sige nga."

"Lalabs, h'wag nang magtampo..."

"Redley, pakiramdam ko mag-isa lang ako rito, eh. Parati kang wala. Parati kang busy. Minsan tulog na ako kapag umuuwi ka. Minsan kahit gising pa ako ay hindi man lang tayo nakakapag-usap dahil pagod ka na at tutulugan mo na lang ako. Para tayong hindi mag-asawa. Pakiramdam ko tuloy housemate lang kita."

"Lalabs naman..."

I cupped her face with both my hands. "This will be over soon. Kaunting pasensya na lang please..."

"Soon? How do you define soon? Pareho ba tayo ng definition ng soon? Baka 'yung soon sa akin, buwan lang ang binibilang, 'yung sa'yo pala dekada."

I laughed despite myself.

"It's not funny, Redley. Kailan ba hihinto 'yang mga activities ninyo sa frat?" she asked; she sounded tired. "Kailan ba talaga matatapos 'yan?"

I bent down to kiss the top of her head before tilting her face up to hold her gaze. "Okay, ganito, I'll quit."

She looked dubiously at me.

"Totoo. I will give up my post as the fraternity's Lord Chancellor. Hihinto ako if that's what you want—"

"If that's what I want?"

"Yes."

"Bakit sa akin nakasalalay 'yang desisyon mong bumaba bilang LC? Ikaw, tatanungin kita, what is it that you want?"

Umupo ako bago ko s'ya marahang hinila para kumalong sa akin.

"Lalabs..."

"Ayokong kumalong. I would rather stand here like this. Dinadaan mo na lang ako parati sa gan'yan."

"Lalabs..."

"Ano?"

I firmly guided her to sit on my lap.

"Lalabs, pag-awayan talaga natin 'to? Ang liit na problema nito. Nadadaan 'to sa pag-uusap."

"Ilang beses na natin 'tong pinag-usapan pero gan'un pa rin. Parati ka pa ring na-li-late ng uwi, parati ka pa ring busy, at minsan pati 'yung date nights natin nakakalimutan mo. Gaano katagal na ba nating pinag-usapan 'to pero wala namang nangyayari. Minsan gusto ko na ngang kumuha ng boarder para naman may kasama naman ako rito. Ano 'to, text-text na lang?"

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon