CHAPTER FOUR

10.2K 352 83
                                    

Special Class A, The Firsts of the Firsts




"Anak, hindi ka kaya mahirapan sa school na 'yon? Bukod sa nasa kalagitnaan ka na ng school year para pumasok doon ay narinig kong sobrang yaman ng mga naroon." Bakas sa mukha ni Mang Rico ang pag-aalala sa kan'yang panganay na anak.

No'ng ibinalita sa kanila ni Suzanne ang tungkol sa pag-alok ng La Orian Academy na mapag-aral siya bilang isang full scholar sa nasabing school ay labis-labis ang sayang nadarama nila dahil hindi na nila poproblemahin ang pangmatrikula ng panganay nilang anak at hindi na kailangang mag-abroad ni Mang Rico. Pagkakaabalahan na lamang n'ya ang paghahanap ng trabaho para na rin sa pag-aaral ng bunsong anak nila na si Emman. Sinabi na rin ni Suzanne ang benepisyong makukuha n'ya sa pag-aaral n'ya sa La Orian Academy lalo na ang matatanggap n'yang scholarship allowance doon kaya may maitutulong na rin s'ya sa kan'yang pamilya at sa kapatid n'yang si Emman. Masasabi nga ni Suzanne na malaking tulong nga ang scholarship na natanggap n'ya sa La Orian Academy.

Pero hindi rin maiwasan na makadama ng pag-aalala ng mga magulang ni Suzanne dahil na rin sa estado nila sa buhay.

"Ewan ko, 'Tay. Naisip ko na rin 'yan pero eto na eh, tinanggap ko na ang kapalaran kong mag-aral sa pangmayaman na eskwelahan na 'yon kaya 'wag na kayong mag-alala sa akin. Ako kaya si Suzanne Dimaguiba-Matanguihan, ang anak ng magiting na driver na ngayon ay construction worker ng mga malalaking establisyimentong si Rico Matanguihan at ng butihing maybahay na si Sylvia Matanguihan kaya kaya ko 'yun sila noh?! Ako pa?!" nakangiting turan ni Suzanne. "At saka, 'Tay, ginagawa ko ito para naman matulungan kayo. Ayoko namang mag-abroad kayo para lang mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Nakakakain pa naman tayo tatlong beses sa isang araw tapos may merienda pa. Okay na naman po kami sa buhay na ito eh. Kontento na po kami. Ang gusto lang naming gawin ay mag-aral ng mabuti para sa inyo."

Natahimik naman si Mang Rico matapos n'yang marinig ang sinabi ng kan'yang anak. Kalauna'y napangiti na lamang s'ya at niyakap na lamang ang kan'yang anak. Niyakap din pabalik ni Suzanne ang kan'yang ama at marahan na bumitaw dito.

"O, 'Tay! Masyado na tayong madrama dito. Kailangan ko na pong pumasok sa bago kong eskwlahan. Ayoko namang ma-late sa unang araw ko doon."

"O, sige. Mag-ingat ka doon ah? Pagbutihin mo," nakangiting paalala ni Mang Rico sa kan'yang anak.

"Oo naman po!" Isang malapad na ngiti ang iginawad ni Suzanne sa kan'yang ama. Hinalikan n'ya muna ito sa pisngi bago tumakbo papunta sa pedicab kung saan naroon na rin si Abby para ihatid s'ya.

Manghang tingin kasabay ng malalim na paghinga ang hinugot ni Suzanne habang nakatingin s'ya sa malaking tarangkahan ng La Orian Academy. Dahil dakilang usisera ang kan'yang best friend na si Abby ay ito na mismo ang nag-presentang ihatid s'ya sa nasabing eskwelahan.

"Grabe... totoo pala talaga ang sinasabi nilang malaki ang La Orian Academy. Akala ko photoshopped lang talaga 'yung nasa picture pero grabe, totoo pala talaga," manghang sabi ni Abby. "Kung sa labas palang malaki na, gaano kaya kalaki 'pag nasa loob ka na? Grabe, bes! Ang swerte mo at makakapasok ka sa school na iyan!" Bahagya namang pinapag ni Abby ang uniporme ni Suzanne. Puti ito na may mga anik-anik na kulay ginto at pula. May parang kadena pa ito na nakakonekta sa butones at tila ba'y may sash ito sa bawat balikat. "Tapos ang ganda-ganda pa ng uniform nila!"

Tumango na lamang si Suzanne at nanatiling tahimik habang pinagmamasdan ang tarangkahan ng eskwelahan.

"Pero... kakayanin mo kaya sa loob? Hay, kung kasing talino ko lang at kasing yaman ko ang nasa loob ng klaseng iyan, malamang nag-transfer na rin ako para makasama kita d'yan para hindi ka mag-iisa kasi alam kong mao-OP ka d'yan sa loob." Malungkot na ngumuso si Abby habang hawak-hawak ang kamay ng kaibigan.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now