CHAPTER SIX

9K 321 102
                                    

龙与蟋蟀的

The Face-off of the Dragon and the Cricket




"Hay! Nakakainis 'yung Mark Andrew Gosiengfiao na 'yon! Porque mayaman at may IQ s'ya na 200, kung makaasta parang kung sino hari. Tsk. Kung may sumabog siguro na kahambugan sa mundo, ang aga n'yang nagising at nasalo n'yang lahat iyon." Mistulang sumisipa ng invisible na bato si Suzanne habang naglalakad papasok ng La Orian Academy. Ilang minuto na lang at malapit nang magsimula ang klase nila ngunit laking pagtataka n'ya dahil tahimik ang buong building ng Junior High. Nabibingi s'ya sa sobrang katahimikan ng hallway.

"Hindi naman linggo. Mas lalo namang hindi holiday. Hmm, mas okay nga 'to eh. Walang mapangmatang tingin akong natatanggap mula sa mga estudyante rito." Nagkibit-balikat naman s'ya at nagpatuloy sa kan'yang paglalakad.

Splash!!!

Biglang na-estatwa si Suzanne sa kan'yang kinatatayuan nung maramdaman n'ya ang malamig na likidong nabuhos sa kan'ya mula sa taas at agad namang lumabas ang mga estudyante.

Nagtatawanan ang mga ito habang kinukuhanan s'ya ng litrato. Hindi pa nga s'ya nakagalaw sa kan'yang kinatatayuan ay may naghagis na agad sa kan'ya ng net para makulong s'ya doon. Para itong pinagkumpul-kumpol na net ng volleyball kaya mabigat alisin sa katawan n'ya. Wala na rin s'yang nakuhang tiyempo para alisin iyon dahil agad s'yang tinapunan ng mga balloon na may lamang tubig. Medyo masakit iyon lalo pa't ilang beses na s'yang natamaan sa kan'yang mukha.

Napaubo agad si Suzanne at humigit ng hangin para makahinga s'ya nang mabuti no'ng medyo tumigil na sa pagtatapon sa kan'ya ng mga water balloon ang mga schoolmate n'ya. Agad namang nahagip ng kan'yang paningin ang Apollo na nakatayo sa malayo at pinapanood s'yang binubully ng mga schoolmate nila.

Mark flaunted an evil smirk as Suzanne gave him a death glare, and because of boredom, he walked away with his friends.

Kung kanina ay inis ang naramdaman ni Suzanne, ngayon ay nasusuklam na s'ya na para bang gusto n'yang patayin ang mga bakulaw na iyon habang pinapanood s'yang nababasa dahil sa kakatapon ng mga schoolmate nila ng water balloon. Sa galit n'ya ay buong lakas n'yang inalis ang net na nakabalot sa kan'yang katawan at tinapon iyon sa nagkukumpulang mga lalaki roon. Walang ibang gustong gawin si Suzanne kundi ang sakalin, tirisin, suntukin, sipain, tadyakin, kaladkarin, saksakin at itapon sa Planet Namik ang apat na bakulaw na iyon, lalo na ang pesteng hambugerong lider nila.

"MARK GOSIENGFIAO!!!" pakiramdam n'ya ay sasabog s'ya sa galit sa mga sandaling iyon. Huminto naman ang lokong si Mark at nilingon s'ya. Mala-demonyo itong ngumiti sa kan'ya bago muling naglakad paalis.

Sa tanang buhay ni Suzanne ay ngayon lang s'ya nagalit sa isang tao—kung talagang tao 'tong kaharap n'ya ngayon.

She formed a fist as she gritted her teeth in annoyance and anger. "WALANG HIYA KA TALAGA!!!"

Agad namang napalingon sina Clyde, Dwayne, at Archles at bago pa nila mapigilan ang umuuso na sa galit na si Suzanne ay naitulak na nito patumba si Mark.

"What the—" Hindi na nabigyan pa ng pagkakataon si Mark magsalita dahil agad na napaupo si Suzanne sa kan'yang tiyan at sinakal s'ya dahil sa sobrang inis. "Ack!"

"Bwisit ka talagang hambog ka! Ano bang kasalanan ko sa'yo, ha?! Nanahimik ako rito ginugulo mo ako dahil lang sa pesteng ranking sa long quiz na iyon! Bwisit ka talaga! Away nating dalawa ito bakit nakekealam sila?! Nagtawag ka pa talaga ng resbak bwisit ka!!!" Panay pa rin ang pananakal ni Suzanne kay Mark habang ang binata nama'y pilit inaalis ang kan'yang mga kamay mula sa leeg nito.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now