CHAPTER TWENTY-FIVE

6.3K 247 42
                                    

Hello XIELOs. I'm sorry for the super duper uber slow update. You see, I'm already working as a teacher in Public School so I'm slightly having a hard time because of my subject loads. But don't worry, I'll try my best to manage my time and update here. Anyway, this chapter is up. Enjoy reading, guys! ❤️


Welcome to Soulmate App! 




"Finally," clicking the activation completed 'done', he turned his head to his laptop and clicked some codes and hacked some mails. After a second or two, he heard his phone beeped and he couldn't help but stretch his lips into a grin. "Finally, it's done!"



Beep! Beep! Beep! Beep! 

Bahagyang napapitlag si Suzanne nung marinig n'ya ang sunud-sunod na pag-beep kasabay ng pag-vibrate ng kanyang bagong cellphone. Sa totoo lang, wala s'yang balak bumili ng android phone. Pero kinukulit s'ya ni Abby na bumili dahil magagamit n'ya ito anytime anywhere lalo pa't hindi naman s'ya madadala ang tablet n'ya sa bahay dahil para sa kanya ay "school property" iyon. Ayon pa sa kanyang kaibigan, pwedeng i-konekta ang kanyang e-mail sa cellphone slash android phone n'ya kaya kung may matatanggap na e-mail galing sa school ang tablet at laptop n'ya ay matatanggap n'ya rin n'ya ito sa kanyang adroid phone.
Kaya sa huli, nakumbinsi s'ya ni Abby na bumili gamit ang kanyang nakuhang allowance sa La Orian Academy. 

Dahil hindi masyadong maalam si Suzanne pagdating sa pagpili ng gadgets, lalo na sa cellphone ay si Abby na mismo ang pumili para sa kanya. Hindi naman kamahalan ang pinili ni Abby na Samsung phone dahil alam n'yang hindi mahilig magwaldas ng pera si Suzanne. 

Humikab muna si Suzanne at itinukod ang kanyang siko para maangat n'ya ang kanyang katawan at maabot ang cellphone na nasa kanyang lumang side table. Kinusot muna n'ya ang kanyang mga mata bago tumitig sa kanyang cellphone at hindi maiwasan ng kanyang mukha na umasim nung makita n'ya kung ano'ng oras na. 

Juskoporsanto, alas dose pa ng hatinggabi at may Poncio Pilato pang nag-padala sa kanya ng e-mail.

At nakalimutan pa n'yang i-off ang mobile data n'yang pinaloadan pa n'ya ng singkwenta pesos.




La Orian Academy Office of the Administration
to me




Ay, hindi pala Poncio Pilato. Ang La Orian Academy pala ang nagpadala ng e-mail.

"Nakapagtataka..." hindi maiwasan ni Suzanne ang mapakunot-noo habang nakatingin sa e-mail. Nakapagtataka namang mag-se-send ng e-mail ang La Orian Academy Admin Office ng dis-oras ng gabi. Hmm... 

Nagkibit-balikat na lamang s'ya at binasa na lamang n'ya ang nilalaman ng nasabing e-mail.


LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora