CHAPTER TWENTY

7.3K 320 42
                                    

如果我是吸血鬼

If I Were A Vampire




Kasabay ng kanyang marahas na pagsinghap ay ang pag-upo n'ya sa kanyang kama. Isang malakas na sabunot ang iginawad n'ya sa kanyang sarili. 

"Putek naman o patulugin mo na ako!" panay ang pagngawa ni Suzanne sa kanyang higaan at nahikulamos n'ya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. 

Napaigtad naman s'ya nung marinig n'ya ang malakas na hampas mula sa manipis na dingding ng kanyang kwarto. 

"Utang na loob rin ate matulog ka na! Natutulog na kami rito at may pasok pa ako bukas! Tumigil ka na sa kakangawa mo d'yan at matulog ka na!" 

Bahagyang ngumuso si Suzanne at muling humiga sa kanyang kama. Bumuntong-hininga s'ya at marahang pinalandas ang kanyang mga daliri sa kanyang ibabang labi. 

Kanina lang 'yun nangyari. Pero bakit parang nararamdaman ko parin ang mga labi n'ya?

Marahas s'yang gumulong-gulong sa kanyang higaan at umingos. "Hay! Bakit hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina at ang mukha n'ya? Haah~ utang na loob patulugin mo na ako!"



Pakiramdam ni Suzanne ay lumulutang s'ya habang bumababa papunta sa kusina. Panay ang paghikab n'ya habang inaayos ang kanyang necktie at naglakad hanggang sa makarating s'ya sa hapag-kainan. 

"Good morning, Nay, Tay," bati n'ya at mabigat ang pakiramdam n'yang naupo. "Hay..." 

"Anak?" 

"Hmm?" dumako ang tingin ni Suzanne sa kanyang ina na pinagtitimpla s'ya ngayon ng gatas. 

"Ayos ka lang ba? Mukhang 'di ka nakatulog nang maayos kagabi ah? May problema ba?" 

"Ah, wala naman po Nay—" 

"Hindi po nakatulog si ate kagabi Nay dahil panay ang kakangawa n'ya kagabi ng," bahagyang tumikhim si Emmanuel para gayahin ang boses ng kanyang ate. "Waah. Patulugin mo na ako! Parang may kausap s'yang kung ano." 

Agad binatukan ni Suzanne ang kanyang kapatid. "Hoy, wala akong sinabing ganyan at hindi ganyang ang boses ko!" 

"Aray!" hinagod naman ni Emman ang likod ng kanyang ulo. 

"Tumigil na kayong dalawa sa bangayan n'yo at ikaw naman Suzanne, 'wag mong saktan nang gano'n ang kapatid mo dahil sa inis. Dapat matuto kang magpasensya sa kapatid mo kasi ikaw ang nakakatanda. Dapat magmahalan kayo bilang magkapatid at hindi kayo dapat laging nag-aaway," wika ni Mang Rico matapos n'yang haluin ang kanyang kape para inumin. 

Napanguso na lamang si Suzanne at itinuon na lamang ang kanyang atensyon sa kanyang kinakain. Muli s'yang napatingin kay Emman na ngayon ay inilalabas ang dila nito para inisin s'ya. Akmang babatukan n'ya ang kapatid pero agad s'yang tinignan ng kanyang ama. "Suzanne." 

"Eh kasi si Emman, Tay eh." 

"Tumigil na kayong dalawa sa pagbabangayan at tapusin n'yo 'yang agahan n'yo baka mahuli na kayo sa eskwela." 

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang