CHAPTER TWENTY-NINE

3.9K 219 30
                                    

The Battle inside the Volleyball Court (Part One)




"Nay, alis na po ako!" matapos n'yang maisuot ang kanyang sapatos ay nagpaalam na agad si Suzanne sa kanyang ina.

"Ay teka sandali lang, anak," agad namang nilingon ni Suzanne ang kanyang ina at agad naman s'yang inabutan nito ng baunan. "Pinagbalot kita ng makakain mo sa recess. 'Di ba sabi mo may try-out ka ngayon kaya hindi mapapaaga ang uwi mo? Kaya kailangan kumain ka nang maigi para malakas ka sa try-out."

Bahagya namang natawa si Suzanne sa sinabi ng ina at agad naman n'yang tinanggap ang baunang naglalaman ng dalawang sandwich. "Salamat 'Nay, una na po ako.

Agad namang kumaway si Aling Sylvia sa anak. "Ingat ka, anak!"

"Opo!"




Dumiretso na agad si Suzanne sa locker room pagkapasok n'ya sa Junior High Building. Matapos n'yang ma-double check ang mga gamit n'ya sa kanyang locker ay agad n'yang kinuha ang kanyang mga libro at iba pang gamit na kinakailangan n'ya sa morning session at sinarado. Napalingon s'ya sa kanyang kaliwa at nakita n'ya si Carly na kakasarado lang ng sarili nitong locker. Agad namang nagtagpo ang kanilang mga tingin at sinalubong naman s'ya ni Carly ng masiglang ngiti.

"Good morning!"

Ngumiti naman si Suzanne bilang tugon. "Good morning. Ang aga mo tsaka ikaw lang ata mag-isa ang dumating?"

"I have to be early. Chloe said so since we have an important meeting with the volleyball team as well. I think it's all about the new recruits to try-out later," sagot n'ya. "And actually, Veronica and the others are not really fond of coming to school early.

Halata nga. "Ah, oo nga pala. Isa ka rin pala sa volleyball team."

Sa totoo lang, hindi halata sa mukha ni Carly na athletic type s'ya. Hindi nga talaga tamang husgahan ang tao dahil sa panlabas nitong kaanyuan.

"Right! Sasalang ka rin sa third and final round ng try-out, 'diba?" excited na tanong ni Carly.

Tumango naman si Suzanne. "Oo. Kaya nga nung mabasa ko 'yung e-mail ni Chloe, hindi ko maiwasang kabahan."

Bahagya naman s'yang napasinghap nung biglang hawakan ni Carly ang magkabilang balikat n'ya. "I know you can do it. I watched you eversince your first try-out and I saw your potential. I know you can do it and I believe in you. So don't be nervous, okay?"

Nahihiyang napakamot si Suzanne ng kanyang batok at tumango.

Carly grinned at her. "Let's go?"

"Hmm," agad namang sumunod si Suzanne kay Carly.

Doon lang natapos ang usapan nilang dalawa. Tahimik lang ring nakasunod si Suzanne kay Carly. Limitado man ang pag-uusap nila dahil na rin sa miyembro ng Aphrodite si Carly ay ayos lang iyon kay Suzanne. She's contented and happy with small interactions with Carly.

Komportable rin si Suzanne sa katahimikang nakabalot sa paligid n'ya. Maaga pa kaya tahimik pa ang pasilyong dinadaanan nila papunta sa kanilang classroom.

Saktong pagkaliko n'ya ay bigla na lamang s'yang nabangga sa kung sino.

"Ay, so-sorry," mahinang dispensa ni Suzanne habang pinupulot n'ya ang kanyang mga libro. Napalingon naman no'n si Carly at wala sa sarili s'yang napasinghap nung makita kung sino ang nabangga ni Suzanne.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now