CHAPTER THIRTY-TWO

3.3K 188 40
                                    

The Past of Mark Andrew Gosiengfiao



"Suzanne... I love you."

Hindi alam ni Suzanne kung bakit ayaw mawala sa isip n'ya ang nangyari kanina. Puno s'ya ng katanungan sa kanyang isipan kung bakit nagawa iyon ni Mark at sa kung ano'ng kadahilanan.

Pero sa hindi n'ya malamang dahilan... ay hindi man lang s'ya nakaramdam ng galit kahit may dahilan naman s'yang magalit.

In all honesty, she badly wants to ask him, especially that they're both sitting on the backseat of Mark's family car. But for some reason, she can't. She didn't have the guts to ask him.

They're awfully silent. This is so awkward.

Prsh. Malamang Suzanne ginawa n'ya 'yun para lubayan ka ng stalker mo. Hmph.

Pero... bakit 'yun ang ginawa n'ya?

"Suzanne."

"E-EH?!" wala sa sariling nasambit ni Suzanne at agad s'yang napatingin kay Mark. Mark is blinking three times and she bet that he's quite shock on her sudden reaction. But he didn't say something about it. "A-Ano... ano 'yun?"

"Stay here for awhile. I'll be right back," hindi na inantay ni Mark ang kanyang sagot at agad na itong lumabas ng kotse kasama ang tatlo sa bodyguards nito.

Nanatili naman si Suzanne sa loob ng kotse at kahit tinted naman ang bintana ng nasabing kotse ay kitang-kita parin n'ya ang magagarang disenyo sa paligid at tahimik naman s'yang namangha dito.

Dumako ang mga mata n'ya kay Mark na may kausap na ngayong lalaki. Sa tatya ni Suzanne ay nasa mid-50s na ang nasabing lalaki at kahit medyo malayo ito ay isa lang ang napansin ni Suzanne.

Kamukha ito ni Mark. Parang Mark version 2.0 pero old version.

'Yan siguro ang tatay n'ya...

Nanatili lang ang mga mata ni Suzanne sa lalaki hanggang sa tuluyan na itong sumakay ng kotse kasama ang mga boduguards rin nito at umalis.

Wow, iba talaga 'pag mayaman.

Muling binalingan ni Suzanne si Mark na ngayon ay naglalakad na palapit sa kotse kung saan s'ya ngayon nakasakay. Nanatili lang ang mga mata n'ya sa binata hanggang sa tuluyan na nitong binuksan ang backseat at tinignan s'ya. "Let's go."

Nanatili lang ang mga mata ni Suzanne kay Mark.

"Hey, are you okay?"

'Yan ang gustong itanong ni Suzanne sa kanya.

Dahil hindi pagka-seryoso ang nakikita n'ya ngayon kay Mark.

Balisa ito.




"So far, there's no problem with your emotions and mental state right now which is good because this is a sign that that traumatic incident will never affect you. But I would recommend if you rest since your stress will gonna affect you."

Tumango naman si Suzanne habang hawak-hawak ang ngayo'y maligamgam na tasa ng kape na binigay sa kanya ng mayordoma ng pamilya Gosiengfiao. "Salamat po, doc."

Tumango naman ang doktor at tumayo. "I need to bid goodbye to Young Master Gosiengfiao."

"He's currently talking to his dad's secretary but you can go to his study room. Martha, pakisamahan si Doctor Jaime," wika ni Theresa, ang mayordoma.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now