CHAPTER THIRTY-SIX

3.2K 193 33
                                    

When Suzanne Snapped




"This is it."

Dalawang linggo rin ang lumipas matapos ang madugong sagupaan nila sa kani-kanilang mga research paper. And thank God, they finally managed to pass their research papers on time and of course, Mrs. Bacchetti is happy about it. 

It'll be such a great opportunity that they can finally rest after that godforsaken week of sleepless nights full of books, drafts and revisions. 

Ngunit walang ganoon sa Grade 10 Special Class A. 


Monday finally came, and so the announcement of the Top 10 research papers that they'll gonna defend to the panel. 

Napalunok na lamang si Suzanne habang nakatuon ang atensyon n'ya sa kanilang PR teacher na nasa harap na nila ngayon dala ang research papers na sa tantya n'ya ay ang mismong sampu na i-de-defend sa panel. 

"You did a great job on your research papers. As expected, you did it beyond my expectations," panimula ni Mrs. Bacchetti. "Now, I will cut the chase and I'm going to announce the Top 10 research papers that will be presented and will be defended in front of the panel this Friday." 

Hindi naman ako umaasa na masasali ako sa Top 10. Pero, kahit papaano ay gusto ko ring tumaas ang grado ko. Huminga nang malalim si Suzanne habang nakatingin sa kanilang guro.

"The ten students that will present their research papers in front of the panel are..." nanatili ang tingin ni Mrs. Bacchetti sa kanyang hawak na mga papel. "Ocampo, Dane Joshua..." 

Napasinghap si Dane sa sobrang gulat at agad s'yang napatingin kay Suzanne na ngayon ay panay ang pagpapakita nito ng thumbs-up at ang pangiti nito sa kanya. Hindi pa sila pwedeng magsalita lalo pa't nasa harap ang guro nila kaya panay na lamang ang hand gesture nila as if nagsasalita sila gamit ang sign language. 

"...Edogawa Keiichi; Catallija, Derzy Adrian; David, Ashley Maira; Del Monte, Carly Allaine; Dela Vega, Clyde Justin; Suarez, Dwayne Anton; Basillote, Archles; Suzanne Matanguihan Gosiengfiao, Mark An—I mean, Mark." 

Kagaya lang rin ng reaksyon ni Dane ay nanlaki agad ang mga mata ni Suzanne sa gulat at agad na napatingin kay Dane. They both excitedly tapped their feet as if they're doing a high-five.
Binalik ni Mrs. Bacchetti ang kani-kanilang mga research paper at muli s'yang bumalik sa harap.

"Congratulations again to all of you for a job well done. For the selected students, I noted some parts that you'll be going to edit so you can flawlessly present your research papers to the panel. You can start editing your papers today. Good bye, class." 

"Good bye, ma'am." 

Agad nagkatinginan sina Dane at Suzanne at halos mapunit na nila ang kani-kanilang mga research paper na may tatak na A+ na hawak sa sobrang kilig. 

"B+! I got B+ too, Veronica!"
"Shut up, Mariz!"




"Nag-expect talaga ako na hindi makukuha 'yung research paper ko kasi feeling ko ang basic lang no'n. Pero hindi ko inakalang mapipili ito ni ma'am," nakangiti parin nang malapad si Suzanne habang naglalakad s'ya kasama ni Dane sa pasilyo ng kanilang building. 

"Excuse you? Tinawag mo talagang basic ang quasi-experimental research paper mo?" mistulang galit na nakatitig si Dane kay Suzanne. "Are you insulting me?!" 

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt