CHAPTER FIVE

9.2K 337 51
                                    

Apollo



Maagang pumasok si Suzanne sa La Orian Academy kinaumagahan. Kahit alas sais pa lang ng umaga at ala siete trenta palang ang klase nila ay kailangan n'yang pumasok nang maaga—sa takot na ma-late. Baka kasi makamulta pa s'ya, kung meron nga no'n sa napakarangyang eskwelahan na iyon.

"Good morning!" bati ni Suzanne kay Dane na naabutan na n'yang nakaupo roon. Nakahinga naman s'ya nang maluwag dahil may kasama na s'ya sa loob ng classroom. Akala n'ya kasi ay napaaga at mag-isa s'ya.

"Good morning, girlie~" bati rin sa kan'ya ni Dane.

"Ang aga mo rin pala," nakangiting tugon n'ya sa kaklase.

"Yes naman, girl. Nasa loob kaya ng campus ang dorm namin," sagot ni Dane.

"Dorm? Meron pala rito?"

"Yep. Our colossal dormitory here. Kaya, ikaw, para 'di ka na ma-late, you should definite stay in the dorm."

Exaggerating pakinggan ng 'colossal', pero totoo naman talaga.

"Eh, magkano naman ang upa?"

"It's just worth 50,000 pesos," kaswal na sagot ni Dane sa kan'ya.

Halos malaglag ang panga ni Suzanne sa narinig na presyo ng dorm. "Ano?! 50,000 pesos?! Paano ako makakakuha ng gano'ng kalaking pera?! Para mo na ring sinabi sa akin na bibili ako ng bahay!"

"Relax, girl. Chill ~ oh, your blood pressure's going to get high. Just let it down so you'll not gonna be diagnosed with high-blood. You're still young," natatawang sabi ni Dane sa kan'ya.

"Paano ako kakalma sa nalaman ko?! Ang laking pera nun noh?!"

"Hey, you don't need to worry about it. Do you remember? This school is for rich people—rich, smart-ass people so it's just a normal amount here. In short, it's just worth a penny. And also, you don't need to worry about the dorm's payment. You're a full scholar here, so all your expenses, such as tuition fee and dormitory, are free as long as you maintain your grades," untag ni Dane.

"Gano'n?" sa mga sinabi palang ni Dane sa kan'ya, hindi pa rin makapaniwala si Suzanne na nakapasok s'ya sa prestihiyosong eskwelahan na ito na utak lang ang ginawang puhunan.

"Yes ~" Dane prolonged his voice to emphasize his answer.

Natigilan sina Suzanne at Dane nung biglang nagsigawan at naglabasan ang mga estudyante.

"They're here! They're here!"

"Let's get out! They're here!"

"On the hallway!"

"Ano'ng problema nila? Bakit sila nagkakagulo?" Kumunot agad ang noo ni Suzanne. Masyadong masakit sa tainga ang sigawan ng mga estudyante.

"Oh. My. Gosh. They're here! Ang aga naman nila!" Parang naputulan ng buntot si Dane nung bigla s'yang mapatayo mula sa kan'yang kinauupuan at parang babae kung kiligin.

"Sinong sila?"

"Ang Apollo!"

Parang matatawa si Suzanne habang nakikita si Dane na sobrang kilig na kilig sa kan'yang kinatatayuan. "Apollo? 'Yong Greek God? Teka nga sandali, wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo. Ano ba talaga?"

"Basta, lumabas na lang tayo dahil andito na sila!!!" Galak na galak si Dane habang hinihila si Suzanne palabas ng kanilang classroom.

"T-Teka, Dane! Sandali lang! Dahan-dahan naman sa paghila—dahan-dahan naman sa pagtakbo baka madapa tayo!" Ngunit hindi na nakinig sa kan'ya ang kan'yang kaklase at bumaba sila papunta sa second floor at nung narinig na nila ang matinding sigawan ay agad silang pumunta sa railing para dumungaw sa ground floor.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now