PROLOGUE

216K 3.7K 394
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello, dear readers. I am rewriting and turning the first few chapters of this story into first-person point of view. Please bear with me. Thank you.

**

ISABELA SANTIAGUEL

Manila, Philippines

"Ito na ang mga gamit mo, miss Santiaguel. May iba ka pa bang kailangan?"

Nilingon ko ang bago kong head bodyguard na si Lukas nang maipasok na niya ang mga maleta ko rito sa kwarto. "Wala na," sagot ko sa kanya. "Just the glass of apple juice I requested earlier."

"Sige, magpapahanda ako." Yumuko siya at naglakad na palabas ng kwarto.

Ginamit ko naman ang pagkakataong 'yon para pagmasdan itong kwarto ko nang mag-isa.

Finally, after several years in New York, I'm back home here in Manila. Hindi ko maipaliwanag kung ano'ng eksaktong nararamdaman ko ngayon, basta sobrang saya ko. I missed the mansion, especially my bedroom.

Tumuloy ako sa paglibot dito sa loob at isa-isang tiningnan ang mga luma naming family photos na naka-display sa pahabang mesa. I suddenly remembered Amanda, my older sister. Oo nga pala, nangako ako sa kanya na magvi-video call ako pagkarating na pagkarating ng Pilipinas.

Kinuha ko na agad ang cellphone ko mula sa hand bag at tsaka siya tinawagan. Sana gising siya. Sa Sydney kasi siya naka-base ngayon kasama ang asawa niya at isang anak.

Ilang ring lang naman, sumagot na rin siya. "Hey!" Mukhang inaabanagan niya naman pala ang tawag ko. "Finally, tumawag ka na. Akala ko delayed ang dating mo."

Ngumiti lang ako nang tipid at kumaway. "Hi, Amanda. I'm home."

"It shows. Ang ganda na ng ngiti mo, eh. So, how was your flight, my dear sister?"

"All good. For the first time, hindi ako napagod sa byahe. Siguro kasi gustong-gusto ko na talagang makabalik dito."

"I know. I'm really happy for you at sana nga maging okay ka lang diyan. Sana mahanap mo ang hinahanap mo."

"I hope so, too. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap 'yon, you know that."

She just smiled sweetly. "I'll pray for you, Isabela. Anyway, you better rest now. Alam kong napagod ka pa rin sa byahe mo kahit na sinabi mong hindi. I'm good to know that you've arrived there safely. Ako na ang bahalang magsabi kila Morris. If you need me, just call me, okay? Nandito lang ako. At please h'wag kang gagawa ng bagay na hindi namin magugustuhan. I'll have Lukas and the rest of your bodyguards watch over you."

Ngumiti lang ulit ako nang tipid. "Okay. I'll call you again later. Mag-a-unpack lang muna ako ng mga gamit. Bye." I ended the video call.

Sakto naman no'n, bumalik na si rin si Lukas dito sa kwarto, dala na niya ang pinahanda kong Apple Juice. Pinatong niya 'yon sa coffee table malapit sa 'kin.

"Ito na ang juice mo, Miss Isabela," he said. "Kapag may kailangan pa kayo, nasa baba lang ako."

Palabas na dapat ulit siya pero pinigilan ko muna. "Lukas. Sandali."

Then I went to my bigger bag and pulled out my brown envelope. Binigay ko 'yon sa kanya. "Here. I want you to do something."

Tinanggap niya ang envelope. Binuksan niya 'yon at inilabas lahat ng mga litrato na nasa loob.

"See those pictures?" I said. "I want you to look for that guy. Find out his whereabouts, anong mga pinagkaka-abalahan niya, kumusta siya, sinong mga babae niya. Track him."

He quickly nodded. "Ok. Pero kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung sino ang lalaking 'to?"

I smiled bitterly. "He's my ex-boyfriend."

"I...I see."

"Lukas, I am ordering you to do everything you can to find him. Alamin niyo lahat ng tungkol sa kanya ngayon pero please, h'wag na h'wag kayong magpapahuli."

Muli siyang tumango. "Sige, gagawin namin ang lahat. Ano nga palang pangalan niya?"

Tumalikod na muna ako at uminom ng juice bago sumagot.

"Arkhe Alvarez."

TO BE CONTINUED

AUTHOR'S NOTE: This story is connected to 'TLAD: Behind the Tattoos' and 'To Live for Love'. Please read those stories first before this so you can understand the flow better. Thank you.

Liked it? Take a second to support me on Patreon! Here's how: www.barbsgalicia.com/support-me-on-patreon/

Everything I Want [BOOK 1]Where stories live. Discover now