Chapter 23

61.1K 1.7K 560
                                    

ISABELA

ANG TAGAL KO nang nakatitig dito sa number ni Arkhe sa cellphone ko. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba ulit siya katulad ng ginawa ko kagabi o h'wag na lang.

I just miss him so much. Alam kong hindi na dapat ako nagpaparamdam pa sa kanya kasi nakapag-usap naman na kami at sinagot na niya ang paliwanag ko, pero hindi talaga siya mawala sa isip ko. Hindi ko siya mabitiwan nang ganon-ganon na lang.

Since the night we talked at his place, I've been crying myself to sleep. Lalo na kagabi kasi tinawagan ko nga siya pero binabaan niya lang din ako. It was my fault, though. Hindi rin naman kasi ako nagsalita sa phone, iyak lang ako nang iyak. Wala naman kasi talaga akong sasabihin sa kanya. Tinawagan ko lang siya kasi gusto kong marinig ang boses niya, o kahit ang paghinga niya man lang. Miss na miss ko na siya.

Ngayon tuloy, ang sama ng pakiramdam ko. Nagsuka na naman nga ako kaninang umaga dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Nag-uumpisa na akong manghina. Ang mahirap pa, wala man lang akong makuhanan ng lakas at inspirasyon para lumaban.

I now rested my head here on my bed's headboard and just wiped my tears again. Napaiyak na naman ako kasi naalala ko ulit 'yong pag-uusap naming dalawa.

Ilang gabi na 'tong nagre-replay sa utak ko. Masakit marinig mula sa kanya na kinalimutan niya na talaga ako at hindi niya na nakikita ang sarili niya na kasama ako, but I completely understand.

Hindi ko siya masisisi na gano'n na ang nararamdaman niya. Sobra ko siyang nasaktan, e. Nakakalungkot lang kasi akala ko may magagawa pa ako. Akala ko magtatagumpay ako pero mukhang hindi na.

"Miss Isabela." Biglang kumatok si Lukas dito sa kwarto.

Pinahid ko lang ulit ang mga luha ko sabay lingon sa pintuan habang nakaupo ako rito sa kama.

"Are you busy with something?" tanong niya pagkapasok.

"No. Why?"

"Sir Morris is online. Gusto ka niyang makausap."

Bigla akong napaikot ng mga mata. Hindi ko na siya sinagot. Humiga na lang ako rito sa kama ko.

"Isabela?"

"Ayokong makipag-usap. Sabihin mo sa kanya, hindi ako interisadong makita siya at marinig ang boses niya."

"He said it's important." Bigla na siyang tumuloy ng pasok dito sa kwarto. Dumiretso siya ro'n sa desk kung nasaan nakapatong ang laptop ko. "I'll set up your video call with him," sabi niya.

Pinanood ko siya habang binubuksan ang Skype application sa laptop. Hinayaan ko na lang siya. Pero h'wag niyang asahan na kakausapin ko nang matino ang lalaking 'yon.

"It's ready," sabi na niya at nilapitan na ako rito sa kama para alalayan sa pagpwesto ro'n sa desk.

Inayos ko naman muna ang sarili ko. Siniguro kong hindi mahahalata ni Morris na galing na naman ako sa iyak.

Tinawagan na ito ni Lukas pagkatapos at hinintay na sumagot. He made sure everything's all set bago siya lumabas ng kwarto para hayaan na kaming makapag-usap ng kaming dalawa lang.

Ilang saglit lang naman ay nakita ko na si Morris dito sa screen. He smiled at me. "Hi."

Hindi ko siya sinagot. Makita ko lang talaga ang mukha niya, parang lalong sumasama ang pakiramdam ko. Umiwas na lang ako ng tingin at pinaglaruan 'tong laylayan ng suot kong silk night dress.

"How are you?" He then asked.

"Good."

"Really? You don't look well. Tinatanong ko si Lukas pero hindi niya naman sinasabi sa 'kin kung maayos ba talaga ang pakiramdam mo diyan. Madalas pa rin bang sumasakit ang ulo mo?"

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon