Chapter 15

63.2K 1.7K 328
                                    

ISABELA

Tears started filling my eyes. Hindi 'to pwedeng mangyari! Bakit ba kasi hindi ko naisip na may mga security cameras nga pala kami sa paligid ng bahay!

I deleted the video kahit na alam kong huli na, tapos kinuha ko 'tong mga information tungkol kay Arkhe at lumabas ulit ng office. My entire body is trembling! Natatakot ako sa kung ano'ng pwedeng mangyari ngayong pinahanap na ni Morris ang lahat tungkol kay Ark. I know the Reverentes — they're powerful, they can do whatever they want. Sana kasi mas nag-ingat ako!

Papunta dapat ako sa kwarto ko ngayon para mag-empake ng ibang gamit at balikan si Arkhe, pero natigilan na lang agad ako nang mapansing bukas ang pintuan.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tumakbo na 'ko papunta ro'n para silipin kung sino'ng nasa loob. It's Morris! He's talking to someone over the phone.

Nagtago ako at pinakinggan muna siya.

"No. Didn't you hear my order?" sermon niya sa kausap. "Not tomorrow, not the next day. I want that Arkhe Alvarez dead tonight."

Nanlaki ang mga mata ko! Dali-dali ko nang binuksan nang buo 'tong pinto at pinasok siya sa loob. "Morris!"

He just looked at me, parang hindi man lang siya nagulat. Nagpaalam lang siya sa kausap niya sabay nagbaba ng tingin sa hawak kong mga documents.

Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa suot niyang suit. "I heard you. Don't hurt Arkhe. Please don't! Hindi niya kayang lumaban sa inyo!"

"Too late. Hinahanap na siya ng ibang mga tauhan ko ngayon. You'll never get to see that son of a b*tch again."

"No!" Tumulo na ang mga luha ko. "You can't do this."

"I can. And I'm doing it."

"You can't! Wala kang karapatan pakialaman at saktan ang mga tao sa buhay ko, you're not yet my husband!"

Bigla niya 'kong tinitigan nang matalim. "Ganyan ka pala mag-isip. Kaya ka ba nakipag-landian muna sa ibang lalaki? Kasi hindi pa naman tayo mag-asawa? I thought you're decent."

Natigilan ako sabay pikit. "I-I'm sorry. Sasabihin ko naman talaga sa 'yo lahat. I was even planning to call Amanda tonight to tell her I'm cancelling our wedding."

Nagulat na lang ako nang bigla niya 'kong higitin sa braso ko! "What did you just say?"

"M-Morris, let go." Pinilit kong kumawala sa kanya. "You're hurting me."

"No." Lalo niya pang hinigpitan ang kapit niya at mas nilapit ako sa kanya. "What did you say? You're going to cancel our wedding?"

"Why not? I don't love you, and you don't love me as well. It was just an arranged marriage."

"Who told you I don't love you? Sa tingin mo ba papayag akong magpakasal sa 'yo kung hindi kita gusto?"

My eyes widened in shock! "A-ano?"

"You are mine, Isabela. No one else can own you, not even that assh0le DJ. Now if you want to call him and say goodbye, do it. Dahil 'yan na ang huling beses na maririnig mo ang boses niya."

Binitiwan na niya 'ko at dapat aalis ng kwarto pero biglang tumunog ang phone niya. He immediately answered it. "Hello . . .

. . . good." Sabay tingin niya sa 'kin. "Mabuti naman at mabilis niyong nahanap kung nasa'n 'yang Arkhe na 'yan. Puntahan niyo na. Take him somewhere and shoot him dead. Or you can torture him first if you want."

"NO!" Taranta akong tumakbo papunta sa kanya at inagaw ang phone. "No, don't do that!" utos ko sa kausap niya. "Listen to me, I'm a Santiaguel. Don't you dare hurt him!"

Everything I Want [BOOK 1]Where stories live. Discover now