Chapter 21

59.8K 1.8K 420
                                    

ARKHE

ILANG ARAW NA 'kong walang ganang kumilos. Parang ang sama ng pakiramdam ko na 'di ko maintindihan.

Nagsimula 'to no'ng nagkausap kami ni Isabela rito sa bahay. Hindi na nawala sa isip ko lahat ng sinabi niya sa 'kin.

May parte sa utak ko na gusto ko nang paniwalaan 'yong paliwanag niya, pero may parte rin na hindi ko kaya at mas gusto ko na lang balewalain kasi mas nangingibabaw pa rin talaga 'yong sakit na naramdaman ko. Naiisip ko nga na sana hindi ko na lang narinig ang paliwanag niya. Kasi maayos naman na 'ko ngayon.

Pumikit ako habang nakahiga rito sa kama ko.

Inaantok na naman ako kaso hindi ko magawang matulog kasi baka bigla nang dumating sila Baron. Dadaan daw siya rito sa bahay kasama si Desa para iabot 'yong kailangan ko.

Nagkaayos na kami ni Medel. No'ng nakaraang linggo lang no'ng uminom kami sa Third Base. Kagagaling lang pala nila ni Desa sa Baguio kaya hindi siya nagrereply sa 'kin no'ng araw na tinext ko siya. Buti nagka-ayos na rin 'yong dalawang 'yon. Masaya na ulit sila.

Ako na lang talaga 'tong malungkot na naman. Tsk, ewan ko ba. Ang daming tumatakbo sa isip ko.

Nabanggit ko nga kay Baron 'yong tungkol kay Isabela no'ng uminom kami, pero hindi ko kinwento nang detalyado. Hindi niya alam na nandito na ulit 'yon sa Pinas. Pinalabas ko na lang na sinabi sa 'kin ni Jewel kamakailan lang 'yung totoong nangyari dati kaya nalaman ko rin.

Napaisip din si Baron tungkol kay Morris. Gusto niyang malaman kung gaano raw ba talaga kayaman at ka-makapangyarihan 'yong taong 'yon para ipapatay pa ako. Kaya 'yon, pinahanap niya yata sa mga kakilala niya kung sino si Morris at kung anong kaugnayan ng pamilya non sa mga Santiaguel. 'Yun 'yong iaabot niya sa 'kin ngayon kaya siya dadaan dito sa bahay.

Sinabi ko naman sa kanya na h'wag na kasi baka mahirapan lang siya. Hindi ko rin kasi matandaan kung anong buong pangalan ng lalaking 'yon. Pero sabi niya, susubukan niya lang daw. Gusto niya yata akong tulungan. Hinayaan ko na lang.

Kinuha ko 'yong cellphone ko ngayon para mag-Internet na lang sana ulit kaso sakto, bigla na namang tumawag si Jewel. Aksidente kong nasagot. Tsk!

Pinanindigan ko na lang kahit na ayoko pa rin sanang makausap 'to. "Hello."

"Hello? Alvarez! Finally, sumagot ka na rin!"

Bumuntong-hininga ako. "O, bakit?"

"Wow, ang seryoso naman ng boses mo. Nagising ba kita?"

"Hindi. Ba't ka tumawag?"

"Wala naman, I just wanna check on you. Ang tagal mo na kasing hindi nagre-reply sa 'kin e. Nasa bahay ka ba ngayon o nasa Third Base?"

"Nandito sa bahay. Kauuwi ko lang kaninang umaga, may set ako kagabi."

"Oh, okay. Anyway, may rason talaga kung bakit ako tumawag bukod sa gusto kitang kumustahin. Pwede ka ba sa Saturday, next week?"

"Bakit, anong meron?"

"Second birthday ng anak ko. Magkakaroon ulit siya ng party. Punta ka ulit."

"Magbi-birthday na naman? Parang ang bilis?"

Natawa siya. "Ano ka ba, last year pa 'yon!"

Natawa rin ako. "Parang last month lang e. Lumalaki na anak mo."

"Oo nga e. Pero baby ko pa rin. Basta pumunta ka, ha? Aasahan ka namin ng daddy niya ro'n."

"Sige. Saan ba 'yan?"

"I'll just send you an invitation, nando'n 'yong full event details." Saglit siyang natahimik pagkatapos, bago nagsalita ulit. "Arkhe, by the way, is it okay kung i-invite ko rin si Isabela? Tutal kasi nandito na siya sa Pinas. Iimbitahan ko sana para makita niya naman ang anak ko. Actually, hindi niya pa alam na may anak na 'ko."

Everything I Want [BOOK 1]Where stories live. Discover now