Chapter 09

60.1K 1.7K 132
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello, dear readers. Simula sa chapter na ito ay gagamit na ako ng first-person POV. So sorry for this major change. I will edit the previous chapters para gawin din silang first-person POV, pero sa ngayon, dito na muna ako mag-uumpisa. Thank you and enjoy reading!

***

ARKHE

"Tagay pa, 'tol. Baka nagkukulang ka na sa alak," biglang banat sa 'kin nitong si Baron habang nakaupo kami dito sa bar ng pinagtatrabahuan kong club.

"Ayoko na," sagot ko lang. "May set pa 'ko mamaya. Hindi ako pwedeng malasing."

"T*ngina konti lang naman, ang korni mo ngayon. Mag-enjoy ka nga. Gayahin mo si Kael, o." Tinuro niya 'yung isang sulok. "Enjoy na enjoy ang kupal."

Tiningnan ko naman. Nasa may dilim nga 'yung isa naming kaibigang si Kael habang may kahalikan na namang babae.

Napailing-iling na lang ako. "Baka makadali dito sa Maynila 'yang kumag na 'yan."

"Pabayaan mo. Gusto niya 'yan e. Ikaw, ilang araw ka nang ganyan na wala sa sarili. Ano ba talagang nangyayari sa 'yo?"

"Wala." Pinaglaruan ko 'tong bote ng alak na nasa pahabang mesa. "Problemado lang."

"Babae ba 'yan?"

Tumango ako. "Si Sab."

"Sab. Sino nga uli 'yan?"

"T*ngina naman. Ilang beses ko na 'yong kinwento sa 'yo. Palibhasa ang dami ng pangalan ng babae diyan sa utak mo kaya hindi mo na maa-alala."

"Ako pa sinisi mo. Ikaw 'tong ang dami-daming babaeng kinikwento sa 'kin, paano ko maa-alala lahat? Sino ba 'yang Sab na 'yan?"

"Si Isabela. Siya lang naman 'yung nai-kwento ko sa'yo nitong mga nakaraang araw."

"Ah, 'yung mayaman na pinagawan mo ng exhibit. O bakit, anong problema? Hindi ka maka-score?"

"Hindi, g*go. Hindi ko magawan ng paraan na maging kami."

Natawa siya. "T*ngina, first time 'yan, ah. Akalain mo 'yon, may babae ka palang hindi makuha. Parang ang tagal mo nang tina-target 'yan. Bakit, may sabit ba?"

"Meron."

"May anak?"

Napahilot ako sa noo ko. "May ibang nagma-may ari."

"Ah, may boyfriend na?"

"Ikakasal na. Arranged marriage raw."

Hindi siya nakasagot agad. Parang hindi rin siya makapaniwala. "T*ngina totoo pala 'yon?"

"'Yan nga rin unang naisip ko e."

"G*go h'wag na 'yan, marami namang ibang babae. Problema nga lang 'yang pinasok mo. Bitiwan mo na."

"Gusto ko talaga siya, 'tol."

"'Yun lang." Napainom siya sa kapit niyang baso na may lamang alak.

Ako naman ginulo-gulo ko na lang 'tong buhok ko tas bumuntong hininga. "Ang hirap nang bitiwan. Medyo nasanay na kasi akong palagi siyang nandiyan. Ngayon ngang dalawang linggo pa lang kaming hindi nagkikita pati nagkakausap, ang lungkot na."

"Ba't ba kasi hindi mo tinatawagan?"

"Busy 'yon sa pag-aasikaso sa kasal. Tsaka mas mahihirapan lang akong kalimutan siya kung madalas ko pa ring maririnig ang boses niya. Tsk..." napahilot ako sa noo ko. "...akala ko kasi magagawan ko ng paraan na mapa-atras siya 'ron sa kasal. Hindi pala."

Everything I Want [BOOK 1]Where stories live. Discover now