Chapter 32

57.1K 1.6K 125
                                    

ARKHE

ILANG LINGGO NA ang lumipas mula no'ng sinorpresa ko si Sab sa art room niya.

Sobrang saya namin nung araw na 'yon. Kaso pagkatapos no'n, bihira na kaming nagkita. Ang tagal na nga nung huling beses ko siyang nakasama.

Ewan ko kung anong nangyari. Basta biglang parati na lang siyang hindi pwede kapag gusto kong makipag-kita sa kanya o kapag gusto ko siyang puntahan. Nalulungkot ako, parang may mali na sa 'min. Hindi ko alam kung may problema ba siya o kung may problema kami na hindi niya sinasabi sa 'kin.

Tsk, ito pa naman sana 'yung panahon na gusto ko araw-araw ko siyang nakakasama kasi nga bumabawi ako. Namimiss ko siya kapag wala siya sa tabi ko dahil nasanay na ulit akong nakikita siya.

Kanina tinawagan ko siya ulit. Tinanong ko kung pwede ba kaming lumabas saglit mamaya bago ako magtrabaho, kaso hindi na naman daw siya pwede. Ewan ko na kung anong pinagkaka-abalahan niya. Tas ngayon tinext ko siya kung bukas ba pwede na siya. Hindi pa ako nire-replyan. Kanina ko pa hinihintay.

Sumandal na lang muna ako rito sa upuan ko sa opisina ng Third Base sabay tumingala sa kisame.

Nalulungkot talaga 'ko. Binubuhos ko na nga lang ang atensyon ko sa trabaho para maiwasan ko nang mag-isip isip. Baka kasi mamaya ako lang naman 'tong namomroblema. Baka busy lang talaga si Sab. Ang hindi ko lang kasi maintindihan, wala siyang sinasabing maayos na dahilan sa 'kin kung bakit hindi kami pwedeng magkita. Parang paiba-iba 'yung mga sinasabi niya sa 'kin.

Tsk t*ngina, napa-praning na naman ako. Inabot ko na lang muna ulit 'tong cellphone ko na nasa mesa.

Tinext ko si Baron. Tinanong ko kung nasaan na sila.

Pinapunta ko kasi siya ngayon dito sa club para ipakita 'yung isang project na inaalok ko sa kanya. May kaibigan ako na magta-tayo ng bagong restaurant sa Bulacan. E gustong magpagawa ng mural sa loob. Nirekomenda ko si Baron kasi alam kong magaling 'yung gagong 'yon pagdating sa mga gano'n.

ILANG SAGLIT LANG naman, tinawag na 'ko nitong isang tauhan ko na maagang pumapasok. May dumating na raw na sasakyan sa labas.

Baka sila Medel na 'yon. Kaya pala hindi na ako nireplyan. Parating na pala.

Lumabas na 'ko agad para salubungin sila.

Pagkarating ko sa pinto ng Third Base, saktong nakababa na sila Baron at Desa ng sasakyan at papunta na sa 'kin. Napatingin nga agad ako kay Desa. Parang iba dating niya ngayon.

"Hi," bati niya pa sa 'kin pagkalapit nila.

Nginitian ko lang. "Oy, kamusta. Buti nakadaan kayo."

Si Baron ang sumagot. "Syempre brad, gusto na rin kitang makita, namiss kita. Hindi mo ba 'ko na-miss?"

Natawa 'ko. Gago talaga 'to e. "H'wag mo 'kong landiin, 'tol. Nandyan si Desa, o."

Tinawanan lang naman kami ng girlfriend niya.

Pinatuloy ko na sila sa loob pagkatapos.

"Akala ko hindi kayo makakapunta ngayon," sabi ko pagkarating namin dito sa opisina ko sa likod. "Wala kayong trabaho?"

"Naka-leave si Desa," sagot ni Baron. "Nagpa-check up kanina sa doktor."

"Nagpa-check up? Bakit, anong sakit?"

"Hindi, 'tol. Check-up sa OB." 

Natigilan ako saglit bago napalingon kay Desa. Tapos sa tiyan niya.

Nginitian niya lang naman ako sabay nagbilang siya ng tatlo sa mga daliri niya. "Three months."

Hindi ko pa naintindihan kaagad. Nung naisip ko na, nanlaki na lang mga mata ko. "Tangina. Hindi nga?"

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon