Chapter 24

63.6K 1.9K 494
                                    

ISABELA

"Are you okay here, Isabela?" Tanong agad sa 'kin nitong si Jewel pagkalapit niya rito sa round table kung nasaan kami ni Lukas.

I nodded and smiled. "Of course. I'm enjoying your son's birthday party. Sobrang entertaining ng mga games."

"Naku, buti naman at nag-eenjoy ka. Kung gusto mo pang kumain, let me know. Pahahatiran ulit kita ng food dito."

"Oh, no, it's okay. I'm full already. Ang sarap din ng pagkain rito sa venue."

"Talaga?"

"Yeah. I enjoyed it, too."

Bigla niya naman akong tiningnan na parang nang-aasar. "Are you sure you're okay?"

I chuckled. "Yes, I really am. Bakit ba?"

"Wala. Kasi kanina napansin ko, parang naiinip ka na. Kaya nga pinuntahan muna kita rito. Well, alam ko namang may hinihintay ka talaga ngayon. H'wag kang mag-alala, darating din 'yon si Arkhe."

Tinago ko na ang ngiti ko at umiwas na lang ng tingin. "Hindi, ah. I really don't expect na darating pa siya lalo na't alam niyang nandito rin ako. At saka, anong oras na rin."

"Darating 'yon. Tingnan mo mamaya-maya, makikita mo na lang 'yon na kumakain na sa kabilang table."

Napailing-iling na lang ako. "Sige na, go back to your son. Baka hinahanap ka na ng birthday boy mo ro'n."

"Oo nga. Sige, babatiin ko rin muna 'yong ibang mga bisita. Mamaya na ulit tayo mag-chikahan." Nagpaalam na siya sa 'kin at umalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang pabalik na siya sa partner niya at anak nila.

Ang laki na ng pinagbago ni Jewel. Mommy na mommy na talaga ang dating niya. Dati, siya lang 'yong babae na mahilig mag-party sa mga clubs, pero ngayon, pansin ko na sobrang responsable na niya at hands-on pa sa anak niya.

Dahil nawalan ako ng connection sa mga kakilala ko rito sa Pilipinas no'ng nasa New York ako, ngayon ko lang nalaman na nagka-baby pala sila nong boyfriend niya na pinakilala niya sa 'kin dati. She looks happier now kaya masaya rin ako para sa kanya.

Kanina, nakapag-kwentuhan na kami nang kaming dalawa lang. Maaga ko kasi siyang pinuntahan para hindi pa siya masyadong busy at may time pa siya para sa 'kin. Ang unang bungad niya nga agad sa 'kin kanina ay kung kumusta raw ba kami ni Arkhe.

I told her everything — except for my sickness. Kinwento ko ang totoong dahilan kung bakit ko hiniwalayan at sinaktan si Arkhe dati. Nagulat siya pero pinaniwalaan niya naman agad. She even promised me that she'll help us get back together again.

Hindi ko nga lang alam kung papaano niya magagawa 'yon. Kasi ayaw namang magpakita ni Arkhe. Ngayon pa nga lang e. He's also invited here pero mukhang hindi na talaga siya pupunta. Tsaka hindi na rin talaga kasi siya nagparamdam sa 'kin pagkatapos no'ng gabing tinawagan ko siya at binabaan niya ako ng phone. That was several days ago.

"Isabela." Bigla namang tawag sa 'kin ni Lukas na nasa tabi ko lang.

"Hmm?"

"Your sister just sent me a message."

Bumuntong hininga ako. "What did she say?"

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon