Chapter 28

62.2K 1.9K 247
                                    

ARKHE

TUMULOY AKO SA pakikipag-kita kay Nikola.

Halos kararating ko nga lang dito sa pinagta-trabahuan niyang coffee shop sa Makati. Naka-order na ako ng kape kanina sa loob tsaka nagpakita na rin ako saglit sa kanya para alam niyang nandito na ako. Hinihintay ko na lang siya ngayon dito sa mesa sa labas kasi lunchtime niya pa naman daw.

Mayamaya lang, napansin ko na rin siya na parating. Mukha namang masaya siya. Ang lapad ng ngiti niya pagkalabas ng pinto.

"Hi!" Bati niya agad sa 'kin. "Sorry, ang tagal ko ba?"

"Hindi naman. Sakto lang."

"Ito pala 'yong order mo." Pinatong niya rito sa pabilog na mesa 'yong pinagawa kong kape, tapos umupo na siya sa katapat kong silya. Inayos niya 'yong suot niyang uniform. "Okay lang sa 'yo rito sa labas? O gusto mong doon tayo sa loob para may aircon?"

"Ayos na rito. Makulimlim naman." Humigop na ako nitong kape.

"Sabagay. Bakit pala tumuloy ka pa rin ng punta rito? 'Di ba nagreply ako sa text mo kagabi na hindi naman na nating kailangang magkita? Nakakahiya, baka mamaya magalit pa si Isabela."

"Hindi naman gano'n si Sab. Mabait 'yon, naiintindihan niya lahat."

"Ah, okay. Wow." Ngumiti siya sabay tumingin sa relo niya. "Uhm, sorry hindi ako pwedeng magtagal masyado, ha? Patapos na kasi ang breaktime ko."

"Ayos lang, saglit lang din naman ako. Gusto ko lang malaman kung ano ba 'yong sasabihin mo, bakit nakikipagkita ka sa 'kin. May kailangan ba tayong pag-usapan?"

"Wala lang 'yon, ano ka ba." Natawa pa siya at inipit 'yung maiksi niyang buhok sa likod ng tenga niya. "Sabi ko naman sa 'yo h'wag mo nang isipin, eh."

"Ano nga?"

"Wala, hindi importante."

"Magte-text ka ba ng gano'n karami kung hindi pala importante 'yang sasabihin mo sa 'kin?"

Natigilan siya. Doon lang siya parang naging seryoso.

"Sabihin mo na," pilit ko na lang ulit. "Makikinig naman ako."

Sumilip muna siya sa salamin nitong coffee shop para yata siguraduhing walang nakatingin sa amin mula sa loob, tapos bumuntong-hininga siya. "Hindi naman talaga ganoon ka-importante. Ano lang, gusto ko lang sanang mag-sorry sa 'yo."

"Para saan?"

"Eh kasi hindi man lang talaga ako nagparamdam ulit sa 'yo pagkatapos nung huli nating pag-uusap sa bahay. Feeling ko ang sama ko kasi ang bait-bait mo na nga sa 'kin, tapos ako pa 'yong may ganang hindi magparamdam. Nakakahiya. Kaya gusto ko sanang makipagkita ulit sa 'yo at mag-sorry dahil baka mamaya, galit ka na rin sa 'kin."

"Ah. Hindi naman ako galit. Naiitindihan ko."

"Ewan ko, nakakahiya lang talaga." Bigla siyang nagtakip ng mukha.

Ang tagal niyang gano'n bago siya tumingin ulit sa 'kin. "Pero, alam mo ba kung bakit ko talaga pinili na hindi na magparamdam?"

"Bakit nga ba?"

"To be honest, ah. Aaminin ko sa 'yo kasi wala naman na 'to sa 'kin ngayon." Tumingin muna ulit siya sa salamin nitong coffee shop bago nagpatuloy. "Kaya hindi na ako nagparamdam kasi feeling ko, nafo-fall na ako sa 'yo."

Everything I Want [BOOK 1]Where stories live. Discover now