Chapter 36

61K 1.6K 138
                                    

ARKHE

MAGDAMAG AKONG HINDI nakatulog kaiisip sa narinig ko.

Wala man lang kasi akong nakuhang sagot. Ilang beses kong tinanong si Amanda pati na rin si Lukas kagabi kung ano ba 'yong tungkol sa sakit ni Sab na pinag-uusapan nila, pero kahit katiting na impormasyon, wala silang sinabi.

Tangina, para na 'kong masisiraan ng ulo sa kaiisip.

Ngayon ko napatunayang baka may nililihim nga sa 'kin si Sab. Pinagtutugma-tugma ko lahat e, pati na rin 'yung sinabi sa 'kin ni Jewel kahapon. Mukhang may sakit si Isabela, pero hindi ko man lang alam kung ano 'yon.

Kanina pa nga ako nandito sa tabi ng kama niya sa ospital—hinihintay na tuluyan na siyang magising para masagot na lahat ng tanong sa isip ko.

Nagkamalay naman na siya kaninang umaga. Nakausap na siya ng kapatid niya at naikwento na sa kanya kung anong nangyari sa park. Pero wala pa siya masyado sa sarili niya no'n. Ayoko naman siyang biglain kahit na kating-kati na 'kong malaman kung ano bang nililihim niya at ni Amanda sa 'kin.

Ilang saglit lang, naramdaman ko na ring gumalaw ang kamay niya na kapit-kapit ko.

Napaayos agad ako sa pagkakaupo at pinagmasdan siya na unti-unting dumidilat.

Pagkakita niya sa 'kin, napangiti na lang agad siya. Gusto ko rin sana siyang ngitian, pero mas nangingibabaw ang lungkot ko ngayon.

"H-hi." Marahan niyang hinaplos ng daliri niya ang kamay ko.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Seryosong tanong ko lang.

"Good." Sabay tingin niya sa sugat niya sa balikat. "The anesthesia is still in effect. Wala pa akong masyadong nararamdaman."

Tumango lang ako.

Napangiti naman ulit siya at hinang-hina akong hinaplos sa pisngi. "Hey, are you all right?"

Hindi ako sumagot.

"I know you're worried," patuloy niya. "But don't be. I'll be fine."

Bumuntong-hininga lang naman ako bago tuluyang nagsalita. "Nalulungkot ako."

"Why? Dahil sa nangyari? Gagaling din naman 'tong sugat ko e. Wag ka nang malungkot."

"Hindi lang naman dahil diyan." Tiningnan ko siya nang seryoso. "May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?"

Kumunot ang noo niya. "W-what do you mean?"

"Kagabi, narinig ko ang kapatid mo na kausap si Lukas. Nabanggit niya na ginagawa nila ang lahat para hindi ka mamatay sa sakit mo. May sakit ka ba? Ba't wala man lang akong alam?"

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa 'kin. Hindi siya nakapag-salita.

Bumuntong-hininga ulit ako para pigilan ang nararamdaman kong lungkot at takot ngayon. "Ayaw sabihin sa 'kin ng kapatid mo nong tinanong ko siya. Ikaw, hindi mo rin ba sasabihin sa 'kin?"

Napayuko na siya. Tapos biglang suminghot at pinunasan ang mga mata niya.

"Wag kang umiyak," sabi ko. "Hindi kita pinapaiyak. Gusto ko lang malaman kung anong totoo. May sakit ka ba?"

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon