Chapter 10

69K 1.9K 159
                                    

ARKHE

MABILIS KAMING NAKARATING dito sa bahay. Wala pa yatang twenty minutes. Malapit nga lang kasi talaga.

Pinarada ko 'tong kotse sa tapat tapos nauna na 'kong bumaba para pagbuksan at alalayan si Sab. Pansin ko ngang napatitig agad siya sa mataas na gate ng bahay namin.

"Who lives here with you?" tanong niya.

"Wala, ako lang. Bakit?"

"Nothing. It's just, it's quite huge for a single person."

"Pa'nong huge. Wala pa nga 'to sa 1/4 ng mansion niyo. Sa pamilya ko kasi talaga 'tong bahay. Pero sa Batangas na sila nakatira ngayon, kaya ako na lang mag-isa dito." Binuksan ko na 'tong gate. "'Lika na."

Pagkapasok namin, binuksan ko agad 'yung mga ilaw tas pinaupo ko muna siya sa ro'n sa sofa sa may sala.

"Sorry, magulo dito sa loob," sabi ko. "Ako lang kasi mag-isa kaya hindi ako masyadong nag-aayos."

Tiningnan niya naman 'yung buong bahay. "It's okay. Hindi naman totally magulo, e."

"Gusto mo ng maiinom?" alok ko pagkatapos. "Softdrinks? Umiinom ka ba no'n?"

"Uh, yes."

"Sige, saglit lang. Kukuhanan kita."

Pumunta 'ko sa kusina. Pero bago ko ilabas 'yung bote ng Mountain Dew sa ref, hinugasan ko muna 'tong kamao ko dito sa may lababo. Ngayon ko lang tuluyang naramdaman 'yung sakit ng pag-sapak na ginawa ko kanina. Matagal-tagal na rin akong hindi napapa-away. Pasalamat talaga 'yung g*gong 'yon na hindi ko siya pinuruhan.

Pagkatapos maghugas, kinuha ko na 'yung softdrinks na binili ko no'ng isang araw. Tapos pasimple kong tiningnan si Sab do'n sa sala habang nagsasalin ako ng inumin dito sa mga baso.

Inaayos niya 'yung damit niya pati 'yung nakalugay niyang buhok na medyo kulot. Napangiti ako. Sa lahat ng muntik nang mapahamak, siya 'yung maganda pa rin.

Binalikan ko na siya pagkatapos para ibigay na 'tong baso ng softdrinks.

"Ayos ka na ba?" tanong ko.

Ngumiti lang siya sabay tinanggap 'tong baso. "I'm feeling better now. Medyo kinakabahan pa rin, pero hindi na katulad kanina. Thank you."

Nginitian ko lang din siya. Halata ngang maayos na ang pakiramdam niya kahit papa'no. Hindi na kasi siya namumutla tsaka nakakangiti na rin siya ulit.

"Kinabahan din ako sa 'yo kanina," sabi ko. "Akala ko hindi kita maaabutan. H'wag mo nang uulitin 'yon, ah? H'wag ka na uling aalis nang wala kang kasamang bodyguards. Tinakot mo 'ko."

Napayuko siya bigla. "I'm sorry."

"Ayos na. Basta 'pag gusto mo 'kong makita, tumawag ka lang."

"O-okay." Pinatong niya 'yung baso niya ng softdrinks sa katabing mesa tas bigla niyang inabot 'yung kamay ko. Hinaplos niya 'yung kamao ko na pinang-sapak ko kanina. "Does this hurt?"

"Hindi naman."

"Namumula siya."

"Wala lang 'yan. Sanay naman ako."

Everything I Want [BOOK 1]Where stories live. Discover now