The Boy Who Lent His Umbrella

163 19 14
                                    

The Boy Who Lent His Umbrella

"Bakit mo ba 'yan ginagawa?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Kasi naguguluhan na ako. Hindi naman niya ito kailangang gawin. And yet he's here in front of me, handing me his heart... that I am about to break.

"You don't have to ask. Hindi mo rin naman maiintindihan mula sa perspective mo." Walang bahid na emosyon niyang sagot.

Tinitigan ko siya nang diretso sa mata pero iniiwas niya ang paningin niya.

Napailing nalang ako.

This conversation is useless. Walang mararating ang usapang ito.

Huminga nalang ako nang malalim bago kinuha sa bag ko ang payong niya at iniabot sa kanya.

"Here..." I extended my arm para maiabot sa kanya ang puting payong. "Take it. I don't need it anymore." I said firmly pero tinitigan lang niya iyon at hindi gumawa ng kahit anong effort para kunin iyon.

"I said take i--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko when he turned his back on me at umambang maglalakad palayo.

"Hey! I said, take it!"
Pilit kong tawag pansin sa kanya.

Saglit siyang huminto sa paglalakad at bahagyang lumingon sa akin.

"Why?" He said. His voice is as cold as an ice.

Huminga ako nang malalim dahil sa kakulitan niya.

"Because I said I wouldn't need it anymore! I have my own umbrella!" I irritatingly said.

But his eyes remained emotionless. Dahan-dahan siyang umiling sa akin bago ilipat ang paningin niya sa maulap na kalangitan.

Mariin siyang napabuntong-hininga habang pinagmamasdan ang langit. Sa paraan ng pagbuntong-hininga niya ay para bang may mabigat siyang pinagdaraanan.

"You're wrong..." he said quietly, his eyes are still fixed in the cloudy sky. "You'll need it because I know that you'll sacrifice your own umbrella just to make sure that he's warm and safe from the harsh rains." Kinagat niya ang labi niya na para bang nahihirapan siya sa kung anong bagay. Bahagya niya ulit akong nilingon at sinalubong ang tingin ko. "...so I'm here to lend you mine to make sure that you wouldn't soak yourself in the lonely raindrops."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makahanap pa ng isasagot ko sa kanya.

Iniwas niya na ang paningin niya at walang salitang naglakad palayo.

But just when he stepped out of the shed... the rain suddenly poured.

Nagsimula sa mahina, katamtamam hanggang sa tuluyan nang lumakas.

But he did not seize from walking. Sinalubong lang niya ang ulan.

While I was left here, well-equipped with his umbrella because he made sure that I'll be safe.

But how about him?

Who will make him happy? Who will make sure that he's safe?

No one.

Because he chose to give up his only defense against the cold rains.

He chose to lent me his umbrella.

**
>C.N. Haven<

Thank you XxPainexX sa book cover.
Talentadong Pinoy!

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon