Chapter Eleven

8 2 0
                                    

Chapter Eleven

KAGAYA NG inaasahan ay naging tahimik lang ang paglalakad namin papuntang school. Hindi naman kasi siya palasalitang tao at wala rin naman akong gustong sabihin kaya hinayaan ko nalang.

We're just walking silently, but it's the kind of silence that is neither boring nor awkward. It is the kind of silence that soothes my mind.

Nauunang maglakad sa akin si Pluvian dahil long legged ito. Pero hindi naman gaanong malayo ang agwat ng distansiya namin at sa bawat ilang minuto ay lumilingon naman siya sa akin na animo'y anumang oras ay pwede akong mawala. Mula sa kanyang likod ay tahimik ko lang siyang tinititigan, kahit na dalawa-dalawang bag na ang bitbit niya ay ang cool at chill pa rin niyang tingnan. Nothing really beats his always composed personality and posture.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitig sa kanya nang bigla niya ulit akong lingunin. Nagtama ang mga mata namin and because this is the nth time na liningon niya ako ay binigyan ko siya ng isang ngiti. Pero nanatili lang blangko ang kanyang mukha at muling binalik ang tingin niya sa unahan.

Mas lalo tuloy akong napangiti. Nakakatuwa kasi siyang tingnan. He looks cold but I can clearly feel the concern in his actions.

Habang nakangiti pa rin ay nagpatuloy na ako ulit sa paglalakad. Tinitigan ko ang paligid para i-check kung nasaan na kami.

Napahinto ako sa paglalakad nang ma-realize kung nasaan na kami.

Ang kaninang nakangiti kong mukha ay biglaang naglaho.

Napansin ko sa aking peripheral vision na napahinto rin si Pluvian sa paglalakad at napatingin sa akin.

Pero ni hindi ko siya magawang lingunin dahil sa biglaang panlalambot ng binti ko.

Nandito na pala kami sa LoveShot Grill.

Lahat ng mga nangyari kahapon ay parang waterfalls na nagbagsakan sa isipan ko. Lalo na nang napadako ang tingin ko sa mismong eskinita kung saan nila... kung saan nila ako sinaktan.

I felt my hands tremble because of all the emotions battling inside of me. Trauma, fear and anxiety.

In the middle of my excruciating turmoil, I felt a rough hand gently intertwined with mine.

Gulat akong napalingon sa katabi kong seryosong nakatitig sa akin. Napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya.

"I know you're still scared because of what happened. But there's no reason to fear anymore. I'm here, I'll protect you no matter what."

I don't know what kind of magic or sorcery this guy has but I felt another volt of electricity travelled throughout my whole body again.

Mula sa mga mata niya ay nilipat ko ang tingin ko sa mga kamay namin na magkahawak kamay.

To be honest, hindi ko alam kung bakit mabilis din ang pagtibok ng puso ko ngayon.

Hindi ko alam kung dahil pa ba ito sa trauma ko kahapon na lalong lumala dahil sa lugar na ito, hindi ko alam kung dahil ba ito sa panibagong hindi inaasahang mga salitang binitawan ng lalaking ito o dahil sa biglaan niyang paghawak sa kamay ko.

Pero kung ano man iyon, hindi niya na ako binigyan pa ng pagkakataon para makapag-isip dahil biglaan niya na akong hinatak.

Kaya wala na akong nagawa kung hindi magpahatak sa kanya. Nasa likuran niya pa rin ako, ang kanyang kamay ay nakabend palikod.

Napakagat ako sa labi ko. Namumuro na itong si Pluvian, ah. Parang noong isang araw at kahapon lang, in-invade niya ang personal space ko tapos ngayon...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Where stories live. Discover now