Chapter One

102 19 7
                                    

Chapter One

IT WAS a cloudy day when we broke up.

"Ennea, let's stop this..." mahina ang boses niya noong binitiwan niya ang mga salitang iyon.

Para bang hirap din siya kahit na sa tingin ko ay masaya siya sa ginagawa niya.

Syempre ay nagulat ako pero hindi ako nagpahalata.

"Huh? Pa-pagod ka na ba?" Tanong ko pa sa kanya. "S-sige magpahinga na m-muna tayo." Alam ko naman na iba ang ibig niyang sabihin pero pinilit kong isipin na baka ang tinutukoy niya ay ang kasalukuyan naming pagde-decorate ng classroom para sa buwan ng wika.

Binitiwan ko pa ang hawak kong glue gun at pinilit na ngumiti sa kanya.
"M-magpahinga na m-muna t--"

"Hindi 'yon ang tinutukoy ko, Ennea..." diretsehan niyang sinabi sa pagmumukha ko.

Huminga muna siya ng malalim at tumingin sa langit na para bang ine-examine iyon bago niya ibinalik ang tingin sa akin.

"You know what I mean..." pagpapatuloy niya.

Hindi ako nakapagsalita noon. Para bang may nakabara na kung ano sa lalamunan ko. Parang hindi ko yata kakayanin ang mga susunod na mangyayari.

Pag-iling lang ang nagawa kong isagot sa kanya habang pinipigil ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko.

Alam ko naman, eh. Ilang araw niya nang pinararamdam sa akin na parang may mali sa relasyon namin... na parang sawa na siya.

Pagod ka na ba talaga Cygnus?

"Maybe it's time for us to end this relationship..."

Parang sumabog ang puso ko dahil sa sobrang sakit. Nagkapira-piraso at hindi ko alam kung maibabalik ko pa ba ulit.

"I... I'm--I... I was at fault. A-ako ang may kasalanan. Hindi ko na kayang ipagpatuloy pa 'to kung... kung may iba na 'kong gusto, Ennea." Walang patawad pa niyang dagdag.

Hindi pa nga nakaka-move on ang puso ko sa sakit at hapdi ay may idinagdag nanaman siyang lalong dumurog sa natitirang parte ng puso ko.

Ilang linggo na rin kasi bago nang araw na iyon ay may naririnig na akong mga bali-balita na nalalapit daw siya sa isa sa mga school mate namin na si Celestine. Pero hindi ako naniwala dahil tuwing nakikita ko naman silang dalawa na magkasama ay umiiwas naman si Celestine kay Cygnus. Pero ngayon...

Nasa harap ko na ang ebidensiya. May iba nang gusto si Cygnus... at sobrang sakit ng katotohanang iyon.

"Ayokong ipagpatuloy ang isang relasyon dahil lang sa guilt, Ennea. Ayokong ipagpatuloy 'to kahit may gusto na 'kong iba kasi unfair 'yon sa part mo," sobrang sakit tingnan ng mga mata niya noong mga sandaling iyon dahil makikita mong talaga na ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay totoo and it hurts so much na ganito siya ka-honest. Na kaya niyang saksakin ang puso ko ngayon, basta ba masabi lang niya ang totoong nararamdaman niya.

Bakit ganoon?

Kapag ba nagmahal ka, kailangan mo pang masaktan at makasakit?

"Ennea..." lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. Kagaya ng ginagawa niya dati noong hindi pa kami, noong mga panahong magkaibigan palang kami.

Kaya mas lalong masakit. Kasi alam kong hindi lang ako mawawalan ng boyfriend, eh. Mawawalan din ako ng bestfriend; at hindi ko alam kung anong mas masakit.

"I'm sorry..." bulong niya bago siya naglakad palayo ng classroom namin.

It's been a year but... I can't still let go.

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Where stories live. Discover now