Chapter Three

58 14 2
                                    

Chapter Three

MAY MGA pagkakataon talaga na darating sa buhay natin kung saan mahihiling mo nalang na lamunin ng lupa o 'di kaya ay sakalin ang ate mo.

Iyan ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito.

"Oh, my! I'm so sorry Pluvian! Eto kasing kapatid ko, masyadong childish! Ayan tuloy..." dinaluhan siya ni ate Astrid para tanggalin ang... ang panty na nasa mismong mukha niya.

Nanatiling nakatayo at walang kibo si Pluvian habang tuloy-tuloy sa paghingi ng tawad si ate. Hanggang sa matanggal ang undearwear sa mukha niya ay nanatili pa rin itong expressionless. Gamit ang isang kamay ay bahagya lang niyang inayos ang pagkakagulo ng jacket niya. No hint of any feelings or what.

Habang ako? Halos hindi ako makahinga sa kahihiyan. Pakiramdam ko ay maka-cardiac arrest ako at the age of seventeen. Halos mag-nervous breakdown ako nang magtama ang mga paningin naming dalawa.

"I--I'm sorry..." I managed to say kahit na hirap na akong huminga dahil sa purong pagkapahiya.

Nanatali pa rin siyang tahimik habang diresong nakatingin sa akin. Hindi ko kinaya ang mga tingin niya kaya tumingin ako sa ibang direksiyon.

"Sorry talaga at nadamay ka pa sa 'min ng kapatid ko! Hindi kasi namin alam na nandito ka sa sala. Alam mo na, nadala lang sa bugso ng damdamin. Hehe." Nagawa pang mag-joke ng taksil kong kapatid at kung nasa normal pa akong estado ay malamang na nabato ko na siya ng kung ano mang madampot ko.

Napakamot sa batok si ate Astrid nang mapansin na siya lang ang natawa sa panis niyang joke.
"A-ahahaha. Uhm, a-ano nga palang kailangan mo, Pluvian?" Awkward.

Napansin kong bumaling na si Pluvian kay ate dahil sa tanong nito pero bago pa man ito makasagot ay biglang sumingit si mom sa usapan na kasalukuyang pababa ng hagdan.

"Oh? Naririnig ko nanamang nagsisigawan kayong magkapatid?" Napatingin si Mom sa akin at kay ate Astrid. Huminto pa ang titig niya sa panty ko na kasalukuyang hawak ulit ni ate Astrid. Shocks naman.

Mabuti nalang at hindi iyon pinansin ni mom dahil binaling niya ang tingin kay Pluvian nang mapansin niyang nasa sala rin pala ito.
"Oh, hijo? Buti't nandito ka? Tapos na ba kayong mag-practice?" Nakangiting tanong niya.

Bumaling si Pluvian kay mom at sumagot.
"Kasalukuyan po nilang nililigpit ang mga gamit. Kailangan ko na pong umuwi." Magalang pero walang emosyon ang pagkakasabi niya.

Napatingin namam si mom sa labas ng bintana. Tinitingnan niya siguro kung umuulan pa. Medyo tumila na naman ang ulan pero makulimlim pa rin ang langit. May pagbabadya pa rin ng ulan.

"Gano'n ba hijo? Eh, pa'no pala niyan? Bale anong sasakyan mo?" Naga-alaalang tanong ni Mom.

"Sasakay nalang po ako ng tricycle paglabas ko ng subdivision..."

Nasa loob kasi ng subdivision itong bahay namin at sa mga oras ngayon ay wala pang nadadaan na tricycle sa loob. Mas madali nga namang maghanap ng tricycle sa labas.

Pero makulimlim pa, eh.

"Sigurado ka ba hijo? Pwede namang mag-stay ka muna rito." Sabi ni Mom.

"Hindi na ho..." maikling sagot ni Pluvian, wala ni isang emosyon ang mababatid sa mukha niya.

"Kung gano'n, sige. Magi-ingat ka nalang..."
Nagulat ako dahil biglang tumingin sa akin si mom.

"Ennea," tawag niya sa akin.

"Yes, po?" Napalunok ako ng laway ng wala sa oras.

"Ihatid mo siya sa labas..."

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Where stories live. Discover now