Chapter Nine

18 9 0
                                    

Chapter Nine

"A snake," I said with certainty. Hindi ako mabilis makalimot, my memory is sharp at sigurado ako sa nakita ko.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napansin ko ang biglaang pagharap sa akin ni Pluvian. Like I just said something that caught his attention. Pasimple ko rin siyang tinitigan, pero mukhang napansin niya rin ito dahil nag-iwas kaagad siya ng tingin pagkatapos noon.

Nawala muli ang atensiyon ko kay Pluvian nang hampasin nanaman ni kuya Leighton ang sofa.
"Lechugas! Hindi nila ako madadaan sa pa-tattoo-tattoo nila!" Nagpupuyos sa galit niyang sigaw.

Sa likod ng pangamba at takot na nararamdam ko ay hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkaaliw dahil sa mga pinagsasabi at pinaggagawa ni kuya Leighton. He seriously looks pissed but funny.

"Wala akong pakielam kung Cobra o Anaconda pa 'yang pesteng tattoo na 'yan! Walang pwedeng bumira sa mga kapatid ko!" Madrama at puno ng panggigil niya pang sigaw. Ang iritasyon ay kitang-kita sa nakatatawang mukha ni kuya.

"Kuya kumalma ka nga!" Hinampas siya sa braso ni ate Astrid. "Hindi makatutulong ang pagwawala mo! What we need is the help of the police force." Panennermon ni ate Astrid kay kuya Leighton na kasalukuyan pa ring balot sa iritasyon.

"You're right. Kailangan natin itong mai-report sa tito Soncio niyo," pagsang-ayon naman ni mom kay ate Astrid.

Si tito Soncio ay nakatatandang kapatid ni mom at isa siyang pulis na naka-destino sa destritong ito.

Bumuntong-hininga si mom bago muling nagsalita.
"Pero sa ngayon, kailangan ko na munang tawagan ang dad niyo para malaman niya ang nangyari," sabi niya saka kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa at nagsimulang pumindot-pindot doon.

Isinandal ko ang aking ulo sa likod ng
sofa.

Nagu-guilty ako. Dapat ay nagpasundo nalang ako kay dad, dapat sinunod ko nalang ang instructions nila ni mom kanina. Siguro kung ginawa ko iyon hindi mangyayari sa akin ito ngayon.

Isang malalim na buntong-hininga rin ang pinakawalan ko habang nakatitig sa puting kisame ng bahay namin.

"Hello, dad." Ani ni mom sa cellphone. Mukhang kausap niya na si dad. Tumayo si mom at naglakad palabas ng terrace para makausap ng masinsinan si dad sa cellphone.

At habang nag-uusap sila ay nabalot na naman ng katahimikan kaming apat na naiwan sa sala. Punong-puno lang ng kapayapaan ang lahat nang bigla nanamang binasag iyon ng makulit kong kuya.

"Ang hindi ko maintindihan..." may bahid pa rin ng panggigil ang tono niya. Ang kanyang hinlalaki ay saglit niyang kinagat bago itinuloy ang kung ano mang sasabihin niya. "... ay kung ano ang motibo nila para gawin sa 'yo 'to, Ennea." Lumapat sa akin ang mala-agila niyang tingin.

Napabangon naman ang ulo ko mula sa pagkakasandal. Inayos ko ang pagkakaupo ko habang ang isip ko ay kasalukuyan pa ring balisa.

Tama si kuya. Ano ba ang motibo nila? Holdup? Balak ba nila akong nakawan ng cellphone? O hindi kaya ay pera?

Pero hindi, eh.

Kung holdup lang pala ang habol nila, dapat hindi na umabot sa ganoon ang nangyari hindi ba? Masyado silang naging marahas... ano bang kailangan nila sa akin?

Nagpakawala rin ng isang malalim na hininga si ate Astrid. Her fingers is tapping the sofa in an anxious manner.
"'D-Di ba... noong nakaraan may nababalitang may umaaligid daw na mga kidnappers sa paligid? Hindi kaya mga kidnappers ang mga nanakit kay Ennea at p-plano siyang..." hindi matuloy-tuloy ni ate Astrid ang kanyang sinasabi, her lips are trembling. She bit her lower lip to calm her self.

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Where stories live. Discover now